Tuesday, November 6, 2012

A Beautiful Affair (ABS-CBN): Kabanata/Episode 7

Kabanata 7
Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dala dala pa rin ni Gen ang mga ala-ala ni Leon, ngunit kailangan din niyang harapin ang mga bagay bagay tulad ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ama ukol sa kanyang pasya na kusang-loob na maging manggagamot sa kung saanmang liblib na lugar sa bansa. Mabibigyan ito ng katuparan sa pamamagitan ng isang biglaang piging na inihanda ng ama upang ipagdiwang ang kanyang pagdating at muling pag-alis, na ang ibig sabihin ay pumapayag na siya sa pasya ng anak. Gayunpaman, binago ni Gen ang pasya at mananatili na lamang ito kasama ng mga magulang at itutuloy ang pagkadalubhasa sa paggamot ng mga bata gaya ng kanyang ina. Si Leon ay nasa Salzburg pa rin. Matapos ang isang madamdaming pakikipag-usap sa ama ay nagpasya ito na tatapusin lamang ang naipangako kay Tala at sa asawa nito bago siya tuluyang bumalik sa Pilipinas, isang balita na lubhang ikinatuwa ng kanyang ama. Mukhang maayos na ang lahat, ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, isang hindi kilalang lalaki ang papasok sa bahay nila Gen, kasabwat ang katulong. Tatlong putok ang maririnig, at aabutan ni Gen ang mga magulang (Maritoni Fernandez & Jim Paredes) na duguang nakahandusay sa sahig.

Sa kabanatang ito ay masasaksihan ang magandang pagmamahalan sa pagitan ng mga magulang at anak. Binigyan na naman tayo ni John Lloyd ng dahilan upang siya ay hangaan dahil sa galing niya sa pag-iyak na madadala ka talaga. Ramdam na ramdam ang pagkasabik ng mag-ama sa isa’t isa at ang manonood ay hindi na rin makapaghintay na sila ay magkita na rin sa wakas. Nakakatuwa rin ang samahan ni Gen at ng ina, makikita na maganda talaga ang kanilang samahan at bukas sila sa isa’t isa. Nakakalungkot lamang na isang kabanata lamang ito mapapanood dahil sa kahindik-hindik na pangyayari sa bandang huli ng kabanata. Kung matatandaan, ang huling pagsasama ni Maritoni Fernandez at Bea Alonzo ay sa palabas na It Might Be You, kung saan minamaltrato ng una ang huli, subalit sa palabas na ito ay natural na natural ang kanilang pagiging mag-ina. Nakakailib pa rin ang paglatag ng mga pangyayari sa palaas na ito. Maganda ang naging kinalabasan ng pagbaling muna ng pansin sa dalawang pangunahing tauhan bago magpakilala ng ia pang mga tauhang kadugtong ng kanilang mga buhay. Sa ganitong pamamaraan ay lalong nabiigyan ng dahilan ang mga manonood upang tutukan pa lalo ang palabas, dahil napamahal na sa anila ang dalawang tauhang nagdadala rito.

Well, bilisan mo na lang Leon. Ikaw din, baka pag handa na ang bahay mo e makalipat sa iba yung dapat sa 'yo titira. –Tala

Episode 7
Gen comes back to the Philippines still carrying memories of Leon, but she also has to sort out some misunderstandings with her father regarding her decision to become a volunteer doctor in some far-flung province in the country. This will all come to fruition through a surprise party thrown by her father to celebrate her return and eventual departure, meaning that he is already giving her his blessing to pursue her decision. However, Gen changes her mind and opts to just stay with her parents and pursue her residency and specialization in paediatrics, just like her mom. Leon is still in Salzburg. After a rather emotional talk with his father, he decides to just finish the work he has promised for Tala and her husband before finally going back home to the Philippines, news that definitely makes his father happy. Everything seems to be going fine, but an unexpected incident wherein an unknown man enters Gen’s house, in cahoots with the maid. Three shots are fired, and Gen arrives home with both parents (Maritoni Fernandez & Jim Paredes) on the floor and drenched with blood.

In this episode, the focus seems to be on the good relationship between parent and child. John Lloyd has, once again, given us a reason to praise him given his good acting chops, particularly in crying where he also makes you want to do the same. The excitement of father and son to see each other is very obvious in that it also makes that audience want them to finally meet. It is also good to witness the strong bond between Gen and her mother. It is just saddening that we only have one episode to witness this because of the shocking events that conclude this chapter. If you could still remember, Maritoni Fernandez and Bea Alonzo last worked together in It Might Be You, where the former was the antagonist of the latter, but in this show their mother and daughter tandem is just so natural. Focusing on the two main characters first has proven to be a good tool before introducing new ones that are vital in their lives. In this way, there is more reason for the audience to stay tuned because of their investment to the two characters that carry the show.


0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review