Monday, October 3, 2022

Darna: Episode 36


36. Darna No Hero
Ipatatawag ni Zaldy si Brian at muling mag-uusap ang dalawa. Paaalalahanan ni Zaldy kung sino sa kanilang dalawa ang dapat masunod. Malinaw naman ito kay Brian kaya magbibitaw siya bilang pinuno ng pangkat. Hihingi ng saklolo ang isang baranggay kung saan may nanggugulong lalaki na may hawak na itak. Madali itong magagapi ni Darna ngunit ipapahamak na naman siya ng palihim ng bagong Extra sa pamamagitan ng pangunguryente nito sa mga tao. Natuwa man sila noong una dahil nailigtas sila ni Darna, ibibintang naman nila ang pagkaka-kuryente sa kanya. Sasakyan na naman itong muli ni Regina na tuloy na rin ang pagbatikos kay Darna kaya naman nakukuha na niya ulit ang kiliti ng mga tao. Aanyayahan niya si Darna na makipagkita sa kanya upang magpaliwanag. Mapapaaway din si Ding dahil sa mga pangbabatikos sa kapatid. Babangungutin naman si Narda kung saan siya ay babarilin ng tatlong kalalakihan. Makakaligtas man ay biglang darating sila Borgo at Valentina. Magigising siya bago patayin ng dalawa. #DarnaNoHero


Bakit ba yaw niyong pagtagpuin ng tuluyan sa tunay na buhay ang babaeng lumilipad at ang babaeng ahas? Gayunpaman ay nasilayan naman natin ang kanilang pagtutunggali kahit na sa panaginip lamang. Hindi naman ganoon kagaling ang pagkakagawa dahil alam nating agad na binabangungot lang siya kasi nakauwi na siya di ba nakita na nga niya si Ding na may pasa sa mukha. Maganda naman ang pagkakagawa doon sa bakbakan na iyon. Ang bukod tanging panira lamang ay ang mga ahas ni Valentina na lagi namang nangyayari kaya sanay na tayo. May mga kuha naman na maayos ang itsura ng mga ahas niya subalit may mga kuha rin na tila ba nakalutang ang ulo niya dahil hindi malinis ang pagkakagawa sa CGI. Maiba naman tayo, ako lang ba ang naaaliw na biglang naging mag-tatay si Rolando at si Hergis? Para silang mag-amang maya’t-maya nagbabangayan. Nakakatuwa rin panoorin kahit paano. Sa ngayon, abangan na lang natin bukas ang paghaharap ni Darna at Regina. #DarnaNoHero


36. Darna No Hero
Zaldy calls Brian over and the two get to talk once again. Zaldy reminds him as to who is the boss between the two of them. This is in fact very clear to Brian, which is why he resigns as head of the task force. A small village seeks for help as a man with a large knife terrorizes them. He is easily defeated by Darna but the new Extra sabotages her again secretly by electrocuting everybody. Although glad at first for Darna rescuing them, they immediately turn on her and blame her for their electrocution. Regina rides on this hate wave once again and keeps on criticizing Darna, one reason for her to regain her audience’s trust. She invites Darna to show up and meet her so she can explain her side. Even Ding gets into a fight amidts the outpour of criticism against his sister. Narda has a nightmare where three men shoot her. Even though she manages to deflect them, Borgo and Valentina suddenly appear. She wakes up right before the two of them kill her. #DarnaNoHero


Why wouldn’t you let the flying woman and the snake woman just meet in real life? Anyway, at least we get to witness their face-off despite it all being just a dream. In any case, the outcome is not as convincing because we already know from the get-go that she is just having a nightmare, because she already got back home in the first place, right? She even sees Ding and the hematoma on his face. I still think that particular scene is well done. The only negative thing are Valentina’s snakes, as usual, so we are already used to that. There are scenes where her snakes are rendered well but there are also scenes where her head seems as though it were floating because the rendering of the CGI is not that polished. Let’s digress a bit, am I the only one amused that Rolando and Hergis somehow ended up as father and son? They look like oft bickering dad and child. Amusing to some extent. For now, let’s just wait for the confrontation between Darna and Regina tomorrow. #DarnaNoHero

“Explain yourself, Darna. My platform is open. Anytime.” –Regina

<<Episode 35                                   Episode 37>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review