Wednesday, October 26, 2022

Darna: Episode 53



53. Darna Vs Valentina
Damay ang pangalan ni Regina sa gulong kasalakuyang kinasasangkutan ni Brian kaya naman ang tanging paraan na naiisip niya ay ang patayin ang nagdadala ng mga suliranin sa kanyang sinisinta. Magpapasya ito na patayin ang XTriad. Nagbabalak ang tatlo na magnakaw muli kahit na nais nang kumalas ni Miguel dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng kanyang lola. Hindi naman niya ito magawa dahil babantaan ng dalawa niyang kasama ang buhay ng lola niya. Sa kanilang pagtatangkang magnakaw ay magkasunod na darating sila Darna at Valentina. Sa matagal nang hinihintay na paghaharap ng dalawa ay magagawang makatakas ng tatlo at silang dalawa ang maiiwan upang magtuos. Tabla naman ang kahihinatnan ng kanilang laban at tatakas sa Valentina. Lalong manggigigil si Regina pagkakita ng galos sa kanyang mukha subalit mapapansin din niyang wala na ito kinabukasan at mapapalitan lamang ng balat ng ahas na madali niyang tatanggalin. Dahil sa makukuhang video ng pagtutuos ng dalawa, mahahati ang social media sa kanilang pinapanigan. #DarnaVsValentina


Sa wakas ay nagkaharap na rin ang babaeng ahas at ang babaeng lumilipad. Ang tagal ninyo kami pinaghintay, talagang inabot kayo ng lampas limampung kabanata. Sulit naman ang paghihintay dahil maganda naman ang pagkikita ng dalawa kahit na parang kulang ang bugbugan. Gayunpaman tila darami pa lalo ang pagkikita at paglalaban ng dalawa sa mga susunod na kabanata. Ang tanong, paano kaya ang magiging kaugnayan nilang dalawa? Lagi na lang ba silang magkikita tapos tabla at wala nang mangyayari? Darating din naman ang panahon na makakahanap ang isa ng kahinaan ng isa. Sa pakikipaglaban kasi sa ibang Extra, madalas ay naghahasik lamang sila ng lagim ng ilang kabanata at pagkatapos nito ay kulong o patay na sila. Kung mga bigating artista lamang sana ang kinuha upang gumanap sa mga Extra na hindi pa namatay gaya ni Silent Shocker at Human Urchin, masaya sana kapag dumating na ang panahon na laya na silang lahat at sabay sabay silang sasalakay. #DarnaVsValentina


53. Darna Vs Valentina
Regina’s name gets caught in the controversies Brian has been involved in lately, and the only remedy she sees fit is to kill whoever is bringing bad press to her precious love. She decides to kill the XTriad. The three are planning a robbery again despite Miguel already wanting to no longer be part of the group because he is worried about his grandmother’s condition. Unfortunately, he finds himself unable to do so because the other two just threatened his grandma’s life. Amidst their attempted robbery, Darna and Valentina arrive one right after the other. In the midst of the two’s long-awaited face-off, the trio manages to escape while the two are left to duke it out. Their fight ends up in a draw and Valentina flees. Regina’s anger intensifies when she sees the bruise she got on her face, but she notices the next day that it already vanished and replaced with snake skin, which she immediately takes off. Because of the recorded video of the duo’s duel going viral, social media is torn between who they are supporting of the two. #DarnaVsValentina


At last, the snake woman and the flying woman finally face off. You made us wait for so long, it really had to take you more than fifty episodes to make this happen. The wait was worth it, in my opinion, because the meeting between the two is well-executed despite the lack of more action. Even then, it seems like the two will be meeting and fighting each other more and more in the next episodes. The question is, how will the dynamics be between these two? Will they always meet only to end up in a draw with nothing happening? Of course, time will come when one will eventually discover the other’s weakness. It’s just that the battle with Extras always end up the same way. They initially wreak havoc for a few episodes before they end up either dead or in jail. If only they included known actors in the cast to portray some Extras that haven’t died yet such as Silent Shocker and Human Urchin, it would’ve been fun to watch them all attack simultaneously when the time comes. #DarnaVsValentina

“Well, I'm a good girlfriend. Kaya kapag mayroong hindi kayang gawin si Brian, ako ang gagawa.” –Regina/Valentina

<<Episode 52                                   Episode 54>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review