Monday, October 10, 2022

Darna: Episode 41

  

41. Super Human
Sa patuloy na paghahanap ni Ishna sa tagapangalaga ng bato ay mapapansin niya ang husay sa pakikipaglaban ni Narda habang ipinapagtanggol nito ang kaibigan sa isang lalaking may masamang hangarin. Susundan niya ito upang kalabanin ngunit matatalo siya at mapipilitang umalis. Malalaman ito ni Hergis at papayuhan si Narda na lituhin si Ishna. Magpapanggap si Hergis bilang si Narda upang manggulo at darating naman bigla si Darna upang iligtas ito. Matagumpay naman ang kanilang balak dahil napapaniwala nila si Ishna na hindi si Narda si Darna. Matapos ang pakikipaglaban ay babalik naman muna sa kanilang mga kanya-kanyang buhay ang magkapatid. Susunduin ni Noah si Narda upang dalhin sa kanilang bahay at makikila ng kanyang ama. Tatawagan naman ni Regina si Brian at aanyayahan sa kanyang bahay upang pag-usapan ang isa sa kanyang mga kaso subalit ang tunay niyang hangarin ay mapalapit pa lalo rito. Bago umalis ay hahalikan niya ito. #DarnaSuperHuman


Habang tinitignan ko ang mga kuhang larawan sa kabanatang ito, kapansin-pansin na paulit-ulit lang din talaga ang mga nangyayari kaya naman nakababagot na rin manood. Wala pang lumalabas na bagong Extra ngunit dun naman na rin papunta iyon. Ang bago lamang sa kabanatang ito ay ang balak nila kasama si Hergis upang linlangin si Ishna na madali naman nilang nakamit sa loob lamang ng isang kabanata. Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang maiipit na naman tayo sa buhay pag-ibig ng mga tauhan lalo pa ngayon at inaakit na ni Regina si Brian habang nanliligaw naman si Noah kay Narda. Kung mag-aaway din lang sila Narda at Regina tungkol sa lalaki, sana ay gawin nila bilang Darna at Valentina upang dumami pa lalo yung mga eksena gaya ng laban nila Narda at Ishna kanina. Kung marami lang sanang ganun ay hindi tayo gaanong mababagot. Nawa’y gawan nila ito ng paraan upang hindi naman mawala ang kanilang mga manonood. #DarnaSuperHuman


41. Super Human
In Ishna’s constant search for the identity of the stone’s protector, she notices Narda’s skills in battle when she sees her protecting her friend against a guy with bad intentions. She trails her and provokes a fight, but she loses and immediately flees. Hergis gets wind of the situation and advises Narda to mislead Ishna. Hergis shapeshifts into Narda and causes a ruckus, while Darna suddenly pops up out of nowhere to rescue him. Their plan succeeds after Ishna buys the lie that Narda is not Darna. After the fight, the siblings go back to their own lives for the meantime. Noah comes over to take Narda to their house so she can meet his father. Regina, on the other hand, invites Brian over to talk about one of her cases. Her real intention, however, is to be even closer to him. Before leaving, Brian gets a surprise kiss from her. #DarnaSuperHuman


While looking at the screenshots for this chapter, it is oh so evident how the flow of events has become so repetitive which is probably why tuning in has become a boring task. No new Extra has been announced yet but that’s where it’s heading to anyway. The only thing new about this chapter is how their plan along with Hergis to deceive Ishna, which they were able to accomplish in just one chapter. At thus pace, it feels as though the characters’ love life will be forced upon us once again, even more so now that Regina is seducing Brian while Noah is courting Narda. If Narda and Regina end up bickering about a guy anyway, I hope they do it as Darna and Valentina so we can get more of those scenes like Narda and Ishna’s fight scene earlier. If only we had more of those scenes, then perhaps we wouldn’t end up getting bored. I hope they start making amends so as not to lose their viewers. #DarnaSuperHuman

“Pag patuloy mong pinakikita ang nararamdaman mo sa mga tao at sa mga kalaban mo, maari nilang gamitin ito laban sa yo.” –Lolo Rolando

<<Episode 40                                   Episode 42>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review