Wednesday, October 5, 2022

Darna: Episode 38


38. Frame Up
Bwisit pa rin si Regina sa kinahinatnan ng paghaharap nila ni Darna. Ipagtatapat naman nito kay Narda na itinuturing niya ito bilang isang kapatid. Dahil dito ay mahihirapan si Narda magpasya kung paano ipagtatapat sa kaibigan na siya talaga si Darna. Ang inis na ito ang maguudyok kay Valentina upang lumabas muli at papatay ng dalawang magnanakaw. Labis man ang pagkasindak sa babaeng ahas ay magpapasalamat naman ang bata sa pagbabalik sa kanya ni Valentina ng kanyang salapi. Magpapakilala na rin ang babaeng ahas bilang Valentina. Maghaharap si Darna at Silent Shocker at mabubunyag na rin ang palihim na pagsira ng huli sa dangal ng una matapos matuklasan ni Brian sa maigting na pagsisiyasat niya sa CCTV na hindi naman talaga si Darna ang may kasalanan. Paunti-unti ay manunumbalik na rin ang tiwala ng tao sa babaeng lumilipad. Imumungkahi naman ni Xandra kay Borgo na papatayin niya si Robles ngunit nasi gamitin ni Borgo si Brian laban kay Darna dahil alam niyang kahinaan niya ito. #DarnaFrameUp


Ayaw ko man sumangayon sa mga pangbabatikos na nababasa ko ukol sa palabas online, tila ba magkatulad ang aming mga saloobin. Hindi naman talaga ang bagal o bilis ng mga pangyayari ang suliranin ng palabas na ito kundi ang bigat ng mga kalaban ni Darna. Paminsan-minsan lang lumabas si Valentina. Ang mga Extra naman ay hindi rin ganoon kalakas ang dating. Marahil ang nararapat nilang gawin ay magpakilala pa ng mga Extra na talagang tatatak ang panggugulo sa ating mga isipan. Hindi rin nakatutulong na lahat ng lumalabas na Extra ay mga kalalakihang may kinikimkim na sama ng loob. Nais naming may makabakbakan si Darna na babae rin at hindi siya uurungan. Si Valentina na sana yun subalit hindi naman natatagpo ang dalawa kaya naiinip na rin kaming mga manonood. Baka ito na rin talaga ang pinakamalaking balakid sa mga palabas na gabi-gabi napapanood. Kailangang pahabain ang kwento kaya naman paminsan-minsan ay nakakainip ang mga pangyayari. #DarnaFrameUp


38. Frame Up
Regina is still annoyed with how her interview with Darna ended up. On the other hand, she tells Narda how she considers her as her own sister. Because of this, Narda is caught in a dilemma as to how to admit to her friend that she is actually Darna. This annoyance becomes the trigger for Valentina to resurface at kill two snatchers. Although terrified of Valentina, the victim thanks her nonetheless for giving him back his money. She introduces herself as Valentina. Darna and Silent Shocker face off and his schemes regarding her sabotage is brought out in the open after Brian’s careful analysis of CCTV footage where it is made clear that Darna is not the culprit. Little by little, the people begin to trust the flying woman again. Xandra volunteers to kill Brian but Borgo has other plans in using him against Darna because he knows he is one of her weaknesses. #DarnaFrameUp


As much as I don’t want to agree with the criticisms I’ve been reading online about the show, I feel like we all have similar insights. It’s not really the speed of the plot that is the problem, but rather the intensity of Darna’s enemies. Valentina only gets to show up once in a blue moon. The Extras, on the other hand, don’t leave that much of an impact. Perhaps what is fitting for them to do is introduce more Extras whose shenanigans will surely live in our minds rent free. It does not help that all Extras appearing are guys holding grudges. We want Darna to square off with another woman who won’t back down. It could’ve been Valentina, yet the two are not even given the chance to meet, which leads to us starting to get bored. Perhaps this is really one of the pitfalls of a show that is broadcasted every night. They just have to prolong the story, which is why sometimes we end up with lots of impatience to spare. #DarnaFrameUp

“Call me Valentina.” –Valentina

<<Episode 37                                   Episode 39>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review