Wednesday, October 12, 2022

Darna: Episode 43

  

43. Hunt Down
Dudukutin si Regina ng mga hindi kilalang lalaki habang ito ay palabas ng kanyang tahanan. Mabubugbog at masasaksak si Ali kaya naman siya ang daratnan nila Narda doon at magsasabing nadukot nga si Regina. Agad na magsisiyasat sila Brian habang pupuslit naman si Narda upang hanapin ang kaibigan bilang si Darna. Tutulungan siya ni Ding gamit ang kakayahan nitong mang-hack upang mapabilis ang paghahanap. Babanatan ng ama ni Regina na si Rex si Zaldy dahil sa mga kapalpakan nito at ang hindi nito pag-ayos sa kapayapaan sa Nueva Esperanza. Susubukang gahasain ng mga dumukot sa kanya si Regina kaya naman magigising ito habang siya ay unti-unting hinuhubaran. Babalaan nito ang mga lalaki na pagsisisihan ang kanilang ginagawa. Nang hindi dinggin ang pakiusap ay agad-agad itong magpapalit ng anyo bilang Valentina at mabilis na kikitilin ang buhay ng mga umaapi sa kanya. Kaagad din naman itong magbabalik sa pagiging si Regina bago dumating si Darna kasama si Brian. #DarnaHuntDown


Talaga naman at hindi pa rin nagkita sila Darna at Valentina! Matagal ko nang nais makitang magsagupaan ang dalawa ngunit tila ba talagang nakapagpasya na sila na pagtagalin pa lalo ito. Malapit na tayong mag 50 na kabanata, pinapaalala ko lang. Ang masama lang dito ay tila ba alam na rin naman natin kung saan patungo ang mga pangyayari. Batid na natin na papatayin ni Regina bilang Valentina ang mga dumukot sa kanya. At ngayon gagamitin na niyang dahilan ang kapangyarihan na ito upang madalas na magpalit-anyo. Ayaw pa rin nila ibunyag na si Rex at Borgo ay iisa kahit halatang halata na. At ganoon pa rin naman talaga ang ating puna sa mga ahas ni Valentina na talaga namang mga papangit ng papangit habang tumatagal. Ang tanong, si Rex nga kaya ang nagpadukot sa sariling anak? Maaari rin naman kasing si Zaldy subalit ano naman ang mapapala niya kung siya ang pasimuno nito, ano? Si Rex kasi ay may malinaw na dahilan dahil nais niyang yakapin ng anak ang pagiging Valentina at isa ito sa mga paraan.#DarnaHuntDown


43. Hunt Down
A group of armed men kidnaps Regina as she is getting out her house. Ali gets beaten up and stabbed, which is why it is him who Narda and friends find there, telling them that Regina has indeed been kidnapped. Brian and company begin their investigation right away while Narda finds the right timing to excuse herself so she can start looking for her friend as Darna. Ding assists her through his hacking skills to hasten their search while Rex lets out a long tirade against Zaldy for his inability to safeguard peace in Nueva Esperanza. Regina’s kidnappers attempt to rape her and she regains consciousness just as they are undressing her. She warns them that they will regret what they are doing. When her please are not heard, she immediately transforms into Valentina and ends their lives really fast. She reverts to being Regina at once right before Darna arrives with Brian in tow. #DarnaHuntDown


Darna and Valentina do not end up meeting again. Seriously. I’ve been wanting to see them fight each other for a long time now but it seems as though they have already decided to prolong this as long as they can. We are fast approaching 50 episodes, just a reminder. The bad thing about this is how predictable the flow of events also turns out to be. We already know where they are all heading to. We already knew that Regina will just kill her kidnappers as Valentina. And now she will find justification in this power to transform more often. They still won’t reveal that Rex and Borgo are one and the same even though it’s all so obvious now. And our criticism of Valentina’s snakes remains the same, focusing on how uglier they get as the show progresses. The question now is, was it Rex all along who had his daughter kidnapped? It could have also been Zaldy for all we know, but what has he to gain by doing this, to be honest? Rex, on the other hand, has a clear motive, which is for his daughter to embrace being Valentina, and this is one way to do it. #DarnaHuntDown

“Tandaan mo ang araw na ito. Isa itong malaking milestone sa aking mga plano para talunin ang protektor.” –Borgo

<<Episode 42                                   Episode 44>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Theater Review

Book Review

Book Review

Book Review