Tuesday, October 18, 2022

Darna: Episode 47



47. Human Urchin
Muli na namang sasalakay si Human Urchin habang nakapila sa pamilihan at nakatagpo ng isang siga na hindi marunong pumila. Agad agad itong magpapalit ng anyo at sasalakayin ang lalaki. Magkakagulo ang mga tao at darating ang mga pulis na pinamumunuan ni Robles. Matatakot naman ang kanyang mga kasama kaya maiiwan siyang mag-isa upang tugisin ang Extra. Darating si Darna upang iligtas siya bago siya matamaan ng mga tinik ni Human Urchin. Mahuhuli si Human Urchin at dadalhin sa rehabilitation center. Doon ay dadalawin siya ni Ishna ngunit hindi pakakawalan. Sa halip ay hihikayatin niya ito na manawagan sa lahat ng Extra upang magkaisa sa paglaban kay Darna na siya naman nitong gagawin. Ikatutuwa naman ito ni Borgo habang maiinis naman lalo si Regina dahil sa pagtatambal ng mga tao kay Darna at kay Brian na ngayon ay tampulan na ng tukso. Isang Krisalis naman ang matatagpuan sa bahay ni Brian na papasok sa salamin niya sa silid. Biglang may lalabas na kamukha niya mula dito na may ngisi sa mukha. #DarnaHumanUrchin


Maganda ang paggamit ng palabas ng ideolohiya dahil naiaangat nito ang laban mula sa sapakan lamang hanggang sa digmaan ng pag-iisip. Gayunpaman, nakakalimutan yata ng mga manunulat na ito ay isang palabas at hindi isang aklat. Kadalasan ay nanonood ang mga tao upang maaliw. Kung mapapag-isip mo sila habang naaaliw, e di mahusay subalit hindi mo maaring alisin ang aliw dahil mabilis lang silang bibitiw. Nagpapasalamat naman tayo sa dagdag na laban dahil dumarami na ang mga Extra ngunit kung inyong susuriin ay ganoon naman lagi ang ginagawa ni Darna. Lilipad at darating upang iligtas si Brian. Mabilis na tatakbo at sasapakin ang Extra. Tulog ang Extra. Tapos na. Hindi niyo ba kami kaya bigyan ng katulad ng mga laban nila Darna at Ishna kung saan makikita mong pinag-isipan talaga ang bawat galaw ng sapakan at tadyakan nila? Nakakasawa na rin kasi yung lagi na lang nagmimistulang Flash si Darna at bigla mo na lang makikita na tapos na ang laban. Oo napag-iisip niyo kami ngunit hindi na kami naaaliw. #DarnaHumanUrchin


47. Human Urchin
Human Urchin strikes once again while falling in line in a store and crossed paths with an entitled guy who doesn’t want to fall in line. She transforms at once and attacks the guy. Chaos ensues and the police arrive led by Robles, whose colleagues get the better of them and retreat leaving him alone to pursue the Extra. Darna arrives just in time to save him before getting hit by Human Urchin’s spikes. Human Urchin is apprehended and taken to the rehabilitation center. Ishna pays her a visit there but instead of setting her free, she encourages her to call out to all the Extras to persuade them to unite in fighting Darna, which she gladly does. Borgo is happy with the development while Regina is stark raving mad because of the people making a love team out of Darna and Brian, who is now the butt of jokes. A bit of Krisalis makes it to Brian’s house and penetrates a mirror in his room. Someone who looks exactly like him but with a mischievous grin on his face emerges from the mirror. #DarnaHumanUrchin


The show makes good use of ideology to elevate the fight from merely physical to a war on ideas. Even then, the writers seem to be forgetting that this is a TV show, not a book. People usually tune in to find amusement. If you end up letting them think and ruminate as well while they are being amused, then bravo, but remember that you can’t take amusement out of the equation lest you want them all to sign off. We are thankful for the added conflicts because of the now multiplying Extras but if you analyze it a bit, Darna always ends up doing the same old shit anyway. She flies and mounts her superhero landing to save Brian. She then zooms into the enemy and gives the Extra a power punch. KO, Extra. The end. Can’t you give us those fight scenes Darna and Ishna used to have where you can really see that every punch and kick has been well thought about? This whole gig involving Darna emulating the Flash and then you realizing in a second that the fight is over is just getting old really fast. Yes, you’ve managed to let us think, but we are now far from being amused. #DarnaHumanUrchin

“Nananawagan ako sa mga Extra lalo na sa mga nagtatago diyan sa takot na bago punahin ng publiko at hulihin o patayin ng nasa kapangyarihan, katulad niyo rin ako dating mahina pero nagkaroon ng kapangyarihan. At ngayon hindi na natin kailangan matakot dahil lahat ng bagay ay magiging posible kung magsasama-sama tayo at magtutulungan. Hindi dapat tayo matakot! Sila ang dapat matakot sa atin.” –Human Urchin

<<Episode 46                                   Episode 48>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Theater Review

Theater Review