Thursday, December 29, 2022

Darna: Episode 99

 
99. Crime After Crime
Darating si Darna upang iligtas sila Ding at Trisha na malapit nang patayin ng Invicto Gang. Maya maya lang ay darating na rin si Brian at isasama ang dalawang bata habang si Darna naman ay sasalakayin ni Valentina. Muling maghaharap at maglalaban ang dalawa. Matapos mailigtas sila Ding at Trisha ay hahabulin naman ni Brian ang pangkat ng Invicto Gang. Darating sila Pineda at mahaharang nilang dalawa ang pinuno ng Invicto Gang na isisiwalat kay Brian ang katotohanan na si Pineda ang may pakana ng pagkamatay ng kanyang ama. Papatayin ni Pineda ang pinuno at silang dalawa naman ni Brian ang maghahabulan. Nais ni Pineda na isunod na si Brian sa tatay nito samantalang nais naman ni Brian na maghiganti alang-alang sa ama. Matatalo ni Darna si Valentina at igagapos ito upang masundan si Brian. Gayunpaman ay makakatakas pa rin si Valentina sa huli at walang magagawa ang mga kasamahan ni Brian na nakapaligid sa kanya. #DarnaCrimeAfterCrime


Hindi na rin kami talaga natutuwa sa mga pakikipaglaban ni Darna. Wala na rin kasing gaanong dapat panoorin dahil magkakatulad lang naman lagi ang ginagawa niya. Maangas na dating. Tatayo. Mabilis na sapak at sipa. Tumba ang kalaban. Ganoon ulit. Wala na talagang mga laban na kagaya ng dati na talagang makikita mong pinag-isipan. Sa makatuwid, tamad. Sa mga ganitong palabas na ganoon na lang ang pagpapahalaga sa buhay pag-ibig ng mga pangunahing tauhan, ang talagang aabangan mo na lang talaga ay yung mga laban tapos biglang ganyan pa ang ibibigay sa iyo. Kaya nakakatamad na ring panoorin. Sa kabilang banda mabuti naman at tinatapos na rin nila sa wakas ang mga suliranin ni Brian. Mula pa sa simula ay ito na talagang pagkamatay ng tatay niya ang inaatupag niya sa palabas na ito. Ngayong mukhang tatapusin na nila ay hindi na rin siya makakasagabal sa pinaka dapat tutukan. May mga magaganda naman ding kuha ng palitan nila ng putok ng Invicto Gang. #DarnaCrimeAfterCrime


99. Crime After Crime
Darna arrives to rescue Ding and Trisha who are about to be killed by the Invicto Gang. Not long after, Brian also arrives at the scene and takes care of the two kids while Darna is attacked by Valentina. The two face off once again and engage in a fight. After securing Ding and Trisha, Brian shifts gears and gives the Invicto Gang chase. Pineda also arrives at the scene and the two of them corner the Invicto Gang’s leader who confesses to Brian that it was Pineda who spearheaded his father’s ambush and eventual death. Pineda kills the leader and the two are left shooting at each other. Pineda wants to send Brian to the grave just like his father while Brian wants revenge on his father’s killer. Darna defeats Valentina and ties her up so she can follow Brian. Even then, Valentina manages to break free in the end and Brian’s men cannot really do anything to her despite having her surrounded. #DarnaCrimeAfterCrime


We are no longer amused with Darna’s fight scenes to be honest. It’s just that there really isn’t anything interesting left to watch because she does the same thing each time anyway. Angst-filled landing. Get up. Speed up and land the enemy a kick or a punch. Enemy is knocked down. Repeat. There are no longer any fight scenes like before which will amaze you and make you think, wow, they thought this through. In short, lazy. In shows like this where the lovelife of the main characters is given primary attention, what you’re left anticipating are the fight scenes but in the end, that’s what they serve you. That’s why it’s not that fun watching anymore. On the other hand, I am glad that they are finally wrapping up Brian’s subplots. From the get-go, solving his father’s murder has always been his reason for existing on the show. Now that they seem to be concluding that arc, at least he won’t be taking screen time from the main event anymore. There are at least some good shots of the gun fight between them and the Invicto Gang. #DarnaCrimeAfterCrime

"Can you be any more self-righteous? Tingin mo bayani ka dahil maganda ang itsura mo at di ka kinatatakutan ng mga tao. Hindi katulad ko.” –Valentina

<<Episode 98                                   Episode 100>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Theater Review

Theater Review