Monday, December 26, 2022

Darna: Episode 96

 
96. Xtra Season
Kakalat na ang katotohanan ukol kay Noah dahil sa kanyang pagkakahuli at pagkakakulong sa piitan ng mga Extra. Makakatanggap na naman ng pagtuligsa ang kanyang amang si Zaldy kaya naman magtutungo ito roon upang harapin ang anak at magkakainitan ang dalawa. Pag-uwi sa bahay ay kukunin at tititigan ni Zaldy ang Krisalotoxin na kanyang ninakaw at mag-iisip ito kung darating ba ang pagkakataon na kakailanganin niyang gamitin ito laban sa sariling anak. Magtutungo rin si Darna doon upang tanungin si Noah kung si Borgo ba ang nag-utos sa kanya na nakawin ang mga Kristalotoxin subalit ikakaila ito ng binata. Uutusan naman ni Borgo sila Andre at Sigfried na bumalik sa piitan ng mga Extra upang itakas si Noah. Papalag si Andre at sasalungat kaya naman babarilin ni Borgo ang kamay nito subalit mabilis ding gagamutin. Ito ang magiging babala niya sa kanyang mga kawal na huwag siyang suwayin dahil siya ang kanilang pinuno at siya lang ang masusunod. #DarnaXtraSeason


Mahirap pa rin paniwalaan na mapapasunod ni Borgo sila Andre ng ganun ganun lang. Hindi naman sila nakakulong at maari naman silang tumiwalag kahit kailan pa nila naisin. Hindi rin naman sila hawak ni Borgo sa leeg at may mga kapangyarihan din sila. Marahil ay dito na rin nga patungo ang lahat. Sa huli malamang ay kakampi rin silang lahat kay Darna. May naitago pa palang Krisalotoxin si Zaldy kaya aasahan na rin natin na magiging Extra rin siya. Ang tanong ay sino naman kaya ang paghahasikan niya ng lagim? Si Darna rin? Hindi pa naman yata niya kilala si Borgo. Sa lagay kasi na ito ay tila ba ang pagpigil sa anak na si Noah ang tanging layunin niya upang maging Extra. Sabagay, magagamit din niya ito kung mawawalan na siya ng kapangyarihan at nais niyang maghiganti sa Nueva Esperanza. Malamang ay parang kay Ibarra lang din ang kahihinatnan niya. Hindi rin ganoong kapani-paniwala ang banta ng sindikato kay Valentina. Sa totoo lang, ano ba ang magagawa nila? #DarnaXtraSeason


95. Xtra Season
The truth about Noah starts to leak after he is caught and jailed at the rehabilitation center for Extras. His father Zaldy is once again at the receiving end of the blame which is why he pays his son a visit and the two confront one another. As he gets home, Zaldy stares at the Kristalotoxin he stole and wonders whether he might have to use it soon against his own son. Darna also heads there to ask Noah if it was Borgo who ordered him to steal the Kristalotoxins but he denies such accusation. Meanwhile, Borgo asks Andre and Sigfried to head back to the rehabilitation center for Extras so they can break Noah out. Andre disagrees and is shot by Borgo resulting in a bloody hand that he immediately cures anyway. This serves as a warning to all of his minions not to disobey him as he is their leader and only he will be barking out the orders fo their compliance. #DarnaXtraSeason


It is still not that convincing how Borgo is able to make Andre and friends obey him just like that. They are not prisoners and they have all the means to defect should they wish. I mean, Borgo is not in total control of them and they have powers too, remember? Perhaps this is where all of this leads to anyway. In the end, maybe they will all side with Darna after all. It turns out that Zaldy still has a Kristalotoxin vial stashed in his safe so we can already expect him to be an Extra down the line. The question is who will bear the brunt of his fury? Darna again? I don’t believe he knows Borgo yet. It’s just that at this point, it seems stopping his son is his only motivation so far for him to become an Extra. Oh well, he might be able to use that when he loses political power and plot his revenge against Nueva Esperanza. He will probably end up like Ibarra. I’m also not convinced that the syndicate is a real threat to Valentina. What can they do to her, seriously? #DarnaXtraSeason

"Sino si Borgo? Wala akong kilalang Borgo.” –Noah

<<Episode 95                                   Episode 97>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review