Tuesday, December 27, 2022

Darna: Episode 97

 
97. Full Circle
Gagawa ng sariling paraan si Noah upang makatakas sa piitan ng mga Extra at darating naman si Ishna upang salubungin at iuwi siya matapos itong mapagalitan ni Borgo nang sabihan niya ito na tila ba hindi nila kayang pasunurin si Valentina dahil sa asal nito. Bibilugin pa kasi lalo ni Borgo ang isipan ni Regina matapos itong magwala. Susugod kasi siya bilang Valentina upang patayin ang isa na naman niyang kaaway nang bigla siyang salakayin ng mga tauhan ng Invicto Gang. Malalaman naman niya agad-agad kung nasaan ang kuta ng mga ito ngunit napaghandaan na rin nila ang kanyang pagdating sa pamamagitan ng Smoke Bombs na may Sulfur na isa sa mga kahinaan niya. Muli silang maghaharap ni Darna roon dahil bigla itong darating at ililigtas siya subalit makakaaway din niya dahil susugurin niyang muli ang mga tauhan doon. Madadagdagan pa lalo ang galit niya dahil sa pagpuslit niya sa silid ni Brian sa bahay ay pagkakarinig sa balak nito na magpakasal na kay Narda. #DarnaFullCircle


Nakuha pang lumandi ni Ishna subalit hindi ko naman siya masisisi. Mahalagang lumandi paminsan-minsan mga kaibigan. Hindi maaring mabuhay na laging hanap-buhay lang ang inaatupag lalo na kung kagaya ni Borgo ang kailangan mong pag-alayan ng panahon. Walang patutunguhan ang buhay kapag ganyan na lang lagi. Bakit nga ba naghubad si Noah ng pang-itaas? Nasunog ba? E bakit yung pang-ibaba hindi? Wala naman tayong maaring iangal dito dahil si Darna nga bawat labas na lang akala mo lalangoy sa dagat. Patas lang ito sa totoo lang. Maliban sa paglalandi ni Ishna ay mapapansin din na tila ba inis na rin siya kay Borgo. Hindi man inis ay pagaalinlangan marahil ang nararamdaman niya kung talaga bang alam nito ang pinaggagagawa niya. Kung tutuusin, maari nga silang magkampi-kampi lahat. Malamang ay isang pitik lang nilang lahat kay Borgo patay na yang gagong yan lalo pa masama naman talaga ang ugali. #DarnaFullCircle


97. Full Circle
Noah relies on himself to find a way to escape from the rehabilitation center for Extras and Ishna arrives just in time to take him back to Borgo who just gave her a dressing down after she notes how volatile Valentina’s mood swings are and how they don’t seem to be in total control of her. Earlier that night, Borgo brainwashes Regina anew after she throws a hissy fit. This is because of her failed attempt to assassinate yet another enemy when she was ambushed by goons of the Invicto Gang. She finds out where their hideout is soon enough but they are prepared for her arrival via smoke bombs that contain sulfur, which is one of her weaknesses. There she faces off with Darna anew who arrives to rescue her at first but eventually becomes another confrontation between the two of them when she starts attacking the goons. Her rage is further stoked after she sneaks into Brian’s room at his condo unit where she finds out that he is already planning to propose marriage to Narda. #DarnaFullCircle


And Ishna really took the time to shoot her shot, but I’m not really here to blame her. Friends, it is important to be promiscuous from time to time, okay? It isn’t good to live to work, even more so when the boss you are dedicating all your time to is like Borgo. Your life won’t get anywhere if this will always be the case. Why was Noah shirtless anyway? Was it incinerated? Then why did he still have pants on? Well, we really can’t complain about this given how Darna always shows up beach-ready. This is just the writers being fair to both sexes. Aside from Ishna’s semblance of a love life, you can notice that Borgo is starting to piss her off. If it is not annoyance, then perhaps just the realization that maybe he doesn’t really know what the hell he is doing. Come to think of it, they can all actually band together. It will probably take them just one collective snap to get rid of that idiot, which I am looking forward to because he sucks. #DarnaFullCircle

"In fairness, hot ka.” –Ishna

<<Episode 96                                   Episode 98>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review