Wednesday, December 28, 2022

Darna: Episode 98

 
98. City of Chaos
Sa pagbabalik ni Noah kay Borgo ay magkakainitan sila ng kaibigang si Andre kaya naman magbabanatan ang dalawa at aawatin lamang sila ni Sigfried gamit ang bagong kapangyarihan nito. Makikita ni Valentina na magkayakap sila Brian at Darna kaya naman magagalit pa ito lalo dahil iisipin niyang pinagtataksilan ni Brian si Narda. Magpapasya ito na patayin na si Brian upang mawala na ito sa kanyang landas at upang ipaghiganti ang kaibigan. Haharapin naman ni Darna si Zaldy upang usisain ito kung mayroon ba siyan kinalaman sa pagtakas ni Noah mula sa piitan ng mga Extra. Itatanggi ito ni Zaldy dahil wala naman talaga siyang kinalaman at bagkus ay hihingi pa nga ng tulong kay Darna upang mahanap ang anak. Itutuloy na dapat ni Brian ang paghingi ng kamay ni Narda upang silang dalawa ay makapag-isang dibdib na subalit sa gitna ng kanilang pagkain ay biglang tatawag si Ding na kasalukuyang naghahabol kay Trisha na dinukot ng Invicto Gang. #DarnaCityOfChaos


Ako lang ba ang naiinis kay Trisha? Sabagay dito naman kasi magaling ang mga manunulat ng Darna. Halos lahat ng tauhan ay sumasalamin sa isang bahagi ng lipunan sa totoong buhay. Nagkataon lang talaga na si Trisha ang sumasalamin sa mga papansing kabataan ngayon na wala nang inatupag kundi magpapansin sa Social Media. Ibig sabihin nito ay magaling ang pagkakaganap ni Mutya Orquia dahil naiinis ako kay Trisha. At bumalik naman tayo ngayon sa mga iba pang napansin ko kagaya na lamang ng salamin ni Ding habang nakikipaglaban sa mga dumukot kay Trisha. Suot niya ang salamin. Nasa sahig na ang salamin. Suot nya ulit ang salamin. Nasa sahig na ulit ang salamin. Halatang halata naman kasi. Marahil ay naghahabol na naman silang lahat kaya ganito ang kinalabasan. May mga labas din si Darna na halatang naka Green Screen lamang si Jane de Leon habang may ibang nakatalikod na nakagayak Darna na kunwari ay siya. #DarnaCityOfChaos


98. City of Chaos
As Noah is taken back to Borgo, he and Andre get into a fight and are restrained by Sigfried using his new defensive powers. Valentina sees Brian and Darna locked in an embrace and she gets even angrier thinking that Brian is cheating on Narda. She decides that it is time to kill Brian to get rid of him for good as well as an act of revenge for her friend. Darna confronts Zaldy regarding Noah’s escape from the rehabilitation center for Extras but he denies any involvement. He really doesn’t have anything to do with it after all. In the end, he even asks for Darna’s help so they can track his son. Brian is at the verge of proposing marriage to Narda but in the middle of their dinner, she receives a call from Ding who is currently running after Trisha who has been kidnapped by the Invicto Gang. #DarnaCityOfChaos


Am I the only one who finds Trisha annoying? Well, this is the strength of Darna’s writers after all. Almost every character mirrors a real life sector of society. It just so happened that Trisha is representing the younger generation of attention whores nowadays who have nothing better to do than clout chase on social media. This means that Mutya Orquia is doing her job well because Trisha annoys the hell out of me. And then let’s go back to some other observations such as Ding’s glasses while fighting Trisha’s kidnappers. He is wearing his glasses. The glasses are on the floor. He is wearing the glasses again. The glasses are on the floor again. It’s just oh so obvious. Perhaps they are pressed for time once again which led to this outcome. Darna also has some appearances where it is obvious that Jane de Leon is just there via green screen while another person in Darna costume has her back to the audience pretending to be legit. #DarnaCityOfChaos

"You don't deserve Narda, and I'll make sure pagbabayaran mo ang pagtataksil mo sa kanya.” –Valentina

<<Episode 97                                   Episode 99>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review