Monday, August 29, 2022

Darna: Episode 11



11. Darna and Ding
Ipapaliwanag ni Master Claudio kung paano siya nakapasok sa buhay ng magkapatid habang hinahanap ang dalawa. Mawawala ni Narda ang bato ngunit makikita ito ni Ding sa kalayuan matapos magtanggal ng salamin, marahil isang pagbabadya na may kapangyarihan din ang bata kahit paano. Kung tutuusin, hindi rin naman siya isang ganap na tao at may dugo siyang taga-Marte. Magagapi ni Narda ang kalaban at susubukan nitong tumakas matapos silang balaan na paparating na si Heneral Borga. Magpapalit-anyo ito bilang paruparo subalit kakainin ito ng isang tuko na wawakas sa kanyang buhay. Sa wakas ay alam na rin ni Ding ang lihim ng kanyang kapatid at pagbibigyan nito ang kanyang hiling na isama siya sa paglipad. Habang naglalakad pauwi ay aabutan ang dalawa ni Noah na magpipilit silang ihatid sa kanilang tahanan. Mariin man ang pag-ayaw ay papayag din naman ang dalawa. Magkakasalubong ang sasakyan ni Bryan at ni Noah na naaalala pa nung una bilang isa sa mga nambugbog sa kanya nung sila ay bata pa. #DarnaAndDing


Nais ko man magbigay ng masamang kuru-kuro ay ayaw ko namang madumog dahil baka akala ng mga manonood ay nilalait ko si Darna. Gayunpaman, natatawa na lang din talaga ako lalo na dun sa tuko na tila ba minadali ang paggawa. Para lang akong nanonood ng Hiraya Manawari. Hindi ko lang kasi maiwasang manghinayang sa kung anuman sana ang magandang kinalabasan kung sapat lamang ang panggastos ng mga gumawa sa palabas na ito. Ang ganda kasi ng daloy ng kwento at mahusay din ang pagkakagawa sa Cinematography. Talagang sa Special Effects lang kinulang. Lawakan na lang din natin ang ating pang-unawa sa kung hanggang saan lang ang kasalukuyang saklaw ng ABS-CBN. Bukod dito, wala naman na tayong ibang daing sa kabanatang ito. Naging makulay ang ating lunes dahil dito at unti-unti na rin namang dumadaloy ang istorya lalo pa ngayon at ibinunyag na ni Master Claudio na may paparating na kalaban pa na si Heneral Borga. #DarnaAndDing


11. Darna and Ding
While searching for the siblings, Master Claudio expounds on how he was able to infiltrate their lives. Narda loses the stone but eagle-eyed Ding sees it from afar when he removes his glasses, perhaps a sign that the kid also has special abilities somehow. Come to think of it, he is not entirely human after all and he has Martean blood. Narda defeats the enemy and the latter tries to escape after warning them that Heneral Borga is coming. He shapeshifts into a butterfly but is eaten by a gecko, marking the end of his life. At last, Ding is now aware of his sister’s secret and he gets a treat from her by taking him flying. While walking home, the two run into Noah on the road who insists that he takes them home with his car. Although hesitant at first, the siblings agree. Bryan and Noah, while in their car, come face to face later on, the former remembering the latter as his bully who used to beat him up when they were still kids. #DarnaAndDing


As much as I would like to give some negative feedback, I fear that I might be mobbed because viewers might think that I am criticizing Darna. Even then, I just can’t help but laugh especially at that gecko, the rendering of which looks really rushed. It’s as if I were watching Hiraya Manawari. I just couldn’t help but feel bad of whatever could have been a good product if only the production had the right budget for it. It’s just that, the flow of the story is good and the cinematography also comes across as impressive. It’s really just the special effects which is totally lacking. Let’s just be more understanding of the current scope and capabilities of ABS-CBN. This aside, I guess we have no more complaints for today’s episode. We were given a fun Monday because of this, and the story is also starting to go somewhere, even more so now that Master Claudio already revealed that another villain, General Borga, is already on his way. #DarnaAndDing

“Ding, ang bato!” –Narda

<<Episode 10                                   Episode 12>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Film Review

Theater Review

Theater Review