Wednesday, February 8, 2023

Darna: Episode 128

 
128. Super Savior
Tuloy lang ang pagpapahirap ni Ishna kay Darna subalit ayaw talaga nitong isuko ang bato. Sa di malamang kadahilanan ay biglang magbabalik ang kanyang alaala nang malaman niya ang tunay na katauhan ni Darna bilang Narda. Dahil dito ay mamarapatin niya dukutin si Ding at dalhin kay Borgo. Pagkakita ni Darna na bihag ang kanyang nakababatang kapatid ay mawawalan ito ng dahilan upang hindi isuko ang bato. Magkikita sila Hergis at Vorian at ipaaalala ng dating guro sa kanyang dating mag-aaral na ang kanilang katapatan ay nasa Loton, hindi kay Borgo. Mahihikayat naman niya ito na dalhin sila ni Luna sa pinagtataguan nila Borgo at darating ang tatlo habang nagkakagulo sila Narda, Ding, Borgo, Ishna at Sigfried. Mag-aaway away silang lahat at mawawala ang bato na ipapasok na dapat ni Borgo sa sandata niyang Sidrax. Mapapatay ni Borgo si Vorian at sa wakas ay babaliktad na si Ishna ngunit wala siyang laban kay Borgo. Biglang darating si Valentina upang harapin si Borgo. #DarnaSuperSavior


Hindi pa rin ganoon kapani-paniwala na babaliktad na lang bigla si Vorian dahil napakiusapan. Parang wala talagang saysay ang tauhan na ito at mukhang isinama lang talaga siya diyan upang bumaliktad si Ishna sa huli. Iyon nga lang, wala naman talagang magagawa si Ishna kay Borgo kahit bumaliktad pa siya. Itong pagbabalik ni Valentina upang mahiganti kay Borgo pa rin ang kaabang-abang sa lahat ngunit sa mga pakita ay tila mabilis lang siyang mapapatumba nito. Ipinakita na rin naman nila na sisigawan ni Darna si Ding ng “Ding, ang bato!” at makapagpapalit pa rin siya ng anyo upang lumaban kaya tila ba hindi na rin ganoon kaabang-abang dahil alam na rin natin ang mangyayari. Mukhang palalayain na rin yung mga Extra na nakakulong kaya magiging maganda ang laban na ito. Hindi na ako makapaghintay kung gaano kasagwa ang Special Effects. Ang mahalaga ngayon at magpatayan na silang lahat dahil dalawang araw na lang ang natitira ano? #DarnaSuperSavior


128. Super Savior
Ishna carries on with her torture of Darna but the latter just won’t surrender the stone. For whatever reason her memory of discovering the real identity of the stone’s protector, that of Darna being Narda, comes rushing back. Because of this, she decides to kidnap Ding and take him to Borgo. As Darna sees her younger brother taken hostage, she is left without a reason not to give up the stone. Hergis and Vorian meet each other in battle and the old teacher reminds the old student that their loyalty is to Loton, not Borgo. He gets to convince him and he takes him and Luna to Borgo’s hideout where the three arrive just in time as Narda, Ding, Borgo, Ishna, and Sigfried are all in a fight. They all end up in a free-for-all melee as the stone that Borgo is supposed to be using for his Sidrax weapon gets lost. Borgo ends up killing Vorian and Ishna finally defects, although she really doesn’t have anything against Borgo. Valentina arrives to confront Borgo. #DarnaSuperSavior


Vorian’s sudden defection just because he listened to reason is still not that convincing. His character doesn’t really make much sense. It feels like he was just introduced here so Ishna can deflect in the end. The thing is, Ishna doesn’t really have anything against Borgo even if she does betray him. Valentina’s comeback is the more exciting subplot as she exacts her revenge on Borgo even though the previews show how easily he seems to knock her out. The preview also shows Darna screaming out to Ding, “Ding, the stone!” and she also gets to transform again to fight, which makes everything anticlimactic because we already know what’s going to happen. It also appears that the incarcerated Extras will be set free, so at least that is one fight we can look forward to. I can’t wait to see how atrocious the special effects are going to be. I guess what’s important now is for all of them to finally have a go at each other because they only have two days left, right? #DarnaSuperSavior

"Si Borgo ang unang trumaydor sa atin. Hindi hustisya para sa Loton ang gusto niya. Gusto niyang pagharian ang buog kalawakan.” –Hergis

<<Episode 127                                   Episode 129>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review