Thursday, February 9, 2023

Darna: Episode 129

 
129. Super End Game
Maghaharap sila Valentina at Borgo at magsisimula na ang sumbatan. Malaki ang galit ni Valentina dahil ngayon pa lang niya napagtanto na lahat ng hirap niya sa buhay ay napunta lamang sa wala dahil matagal na palang pinatay ni Borgo ang kanyang ama na buong buhay niya ang kanyang iginugol upang pasayahin. Sa kanyang pagbabalik bilang Darna ay itutuloy ni Narda ang kanyang pakikipagtuos kay Borgo na magsasaksak sa sarili ng mga kapangyarihan ng lahat ng kanyang mga Super Soldiers. Sa pakikipaglaban na ito ay isa-isang mabubuo ni Darna ang mga itinuro sa kanya ni Luna na magiging daan upang makamit niya ang kapangyarihan ng Hiraya. Sa pagbaliktad ni Ishna ay patutumbahin niya si Sigfried na patuloy ang pagpapahirap sa mga taongbayan habang ang ibang Super Soldiers naman ay dadalhin nila Lolo Rolando sa isang patibong kung saan mapapalibutan sila ng kanyang mga nilikhang nagpapakalat ng tunog na nagpapawala sa kanilang mga kapangyarihan. #DarnaSuperEndGame


Hindi pa rin ganoon kapani-paniwala na babaliktad na lang bigla si Vorian dahil napakiusapan. Parang wala talagang dulot ang tauhan na ito at mukhang isinama lang talaga siya diyan upang bumaliktad si Ishna sa huli. Iyon nga lang, wala naman talagang magagawa si Ishna kay Borgo kahit bumaliktad pa siya. Itong pagbabalik ni Valentina upang mahiganti kay Borgo pa rin ang kaabang-abang sa lahat ngunit sa mga pakita ay tila mabilis lang siyang mapapatumba nito. Ipinakita na rin naman nila na sisigawan ni Darna si Ding ng “Ding, ang bato!” at makapagpapalit pa rin siya ng anyo upang lumaban kaya tila ba hindi na rin ganoon kaabang-abang dahil alam na rin natin ang mangyayari. Mukhang palalayain na rin yung mga Extra na nakakulong kaya magiging maganda ang laban na ito. Hindi na ako makapaghintay kung gaano kasagwa ang Special Effects. Ang mahalaga ngayon at magpatayan na silang lahat dahil dalawang araw na lang ang natitira ano? #DarnaSuperEndGame


129. Super End Game
Valentina and Borgo face off and the reproach begins. Valentina’s ire runs deep because it is only now that she’s realizing how all of her life’s hardships went nowhere because the father whose validation she yearned for all her life was killedby Borgo all along. With her return as Darna, Narda continues his duel with Borgowho injects himself with something that will give him the powers of all his Super Soldiers. During this fight, Darna gets to achieve the techniques Luna taught her one by one which will pave the way for her to manifest the power of Hiraya. Ishna takes Sigfried down as she defects which in turn frees the townsfolk from his power while the Super Soldiers are led by old man Rolando to a trap where they are surrounded by a device he crafted that disperses sound waves that nullify their powers. #DarnaSuperEndGame


Valentina, my dear, it took you ages to train and Borgo ends up knocking you out just like that? This is really one of my pet peeves when it comes to shows like this because they really elevate the villains just to knock them off like that when they finally become allies in the end. That’s also what happened to Ishna. In the end, she still managed to help out by shutting Sigfried up. Siegfried was just so agit, as if he just went crazy. In fairness to the special effects, they did improve, at least in that fight scene between Darna and Borgo. It was believable although still not that polished. What is this Hiraya thingy anyway? Is Darna still going to upgrade her battle armor on her last night? In the preview of the final episode, the leader of Marte will be paying them a visit. I wonder who the leader might be. Vilma Santos? Angel Locsin? Marian Rivera, because the Network War is no more? Hopefully, all of them? Hahaha, but they might end up outshining Jane de Leon. #DarnaSuperEndGame

"Niloko mo ko. Ginamit mo ko. Ang lahat ng paghihirap ko para maipagmalaki ako ng tatay ko all for nothing dahil matagal mo na pala siyang pinatay! Ikaw ang tunay na sumira ng buhay ko. Hindi si Darna. Hindi si Narda. Magbabayad ka!” –Valentina

<<Episode 128                                   Episode 130>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review