Tuesday, February 7, 2023

Darna: Episode 127

 
127. Super No Hero
Sa wakas ay matatalo na rin ni Valentina si Darna. Matapos patayin ng kanyang kamandag si Brian ay si Darna naman ang lilingkisin nito at matatalo niya sa lakas ng kamandag niya ngayon. Gayunpaman, biglang dadaloy sa kanya lahat ng alaala ni Narda kung paano ito naging Darna pati na rin ang panlilinlang ni Borgo sa kanya. Ngayong alam na niya ang lahat ay matatauhan na siya at magbabalik si Regina. Dahil hindi alam ang gagawin, tatakbo ito palayo at iiwan si Darna na sugatan. Sasamantalahin ni Borgo ang kawalan nito ng lakas at dadalhin ito sa kanya ng kanyang mga Super Soldiers kung saan pahihirapan nila ito upang isuko na ang bato na kanyang gagamitin sa kanyang bagong sandatang nagngangalang Sidrax na tatapos sa daigdig. Ang kanyang balak ay isunod agad ang Marte matapos gunawin ang daigdig na ito. Magsasama-sama na ang mga taga-Nueva Esperanza at magkakapit-bisig upang lumaban ngayong wala na si Darna upang iligtas sila. #DarnaSuperNoHero


At ayan na nga natauhan na si Valentina sa wakas. Alam naman na natin na ganito ang mangyayari. Minadali lang talaga nila dahil sa halip na matauhan sa sarili niya ay talagang inilipat nila ang mga alaala ni Narda sa kanya. Sabagay ilang kabanata na lang din naman kasi ang natitira kaya wala na ring ibang paraan upang pabilisin pa ito. Sa ngayon ay malamang makikipag kampihan na siya kay Darna matapos mag-isip isip. Iyun nga lang, wala na rin namang naghihintay sa kanya dahil marami na siyang napatay. Sa huli, ang pagkakaibigan lang talaga nila ni Narda ang hindi nadungisan kahit paano dahil hanggang sa huli ay hindi siya sinukuan ng kaibigan. Gayunpaman, sa mata ng iba, wala na ring magagawa upang mailigtas si Regina kahit magsisi pa siya. Sa tingin ko ay hindi matatapos ng matino lahat ng kwento ng mga tauhan dito. Sa dinami-dami ng Super Soldiers na isa lang ang namatay, paano nila mamadaliin ang katapusan ng mga kwento ng lahat ng iyan? #DarnaSuperNoHero


127. Super No Hero
Valentina finally defeats Darna. After her venom kills Brian, now it is Darna’s turn to be constricted and get defeated by her venom which is just so powerful now. Even then, she suddenly gets a surge of Darna’s memories from her beginnings as a superhero until all the way to Borgo’s decet. Now that she is aware of the truth, she comes to her senses and goes back to being Regina. Not knowing what to do, she runs away and leaves a heavily injured Darna. Borgo takes advantage of her lack of strength and has his Super Soldiers take her to him where they torture her so she’d surrender the stone to him which he will use to power his new weapon called Sidrax that can end the planet. His plan is to destroy Marte right after that. Everyone in Nueva Esperanza band together and join forces to defend themselves now that Darna is no longer there to protect them.  #DarnaSuperNoHero


And there you go, Valentina finally comes back to her senses. We all knew that this was eventually going to happen anyway. They really just had to rush it because instead of her coming to her senses on her own, they really had to data transfer Narda’s memories to her. Oh well, they only have a few episodes left so this is probably the only way to speed things up. Moving on, Valentina will most likely team up with Darna now after reflecting for a bit. In the end, it is really just their friendship that doesn’t get compromised somehow because until the very end, Narda never really gave up on her friend. Even then, from the perspective of the other characters, there really is nothing left to redeem Regina even if she ends up repenting. I also don’t believe that they will be able to convincingly wrap up all of the subplots of all the characters here. Just the numerous Super Soldiers alone, among which only one died! How are they supposed to conclude all of those storylines. #DarnaSuperNoHero

"Wala na ang Protektor na inaasahan niyo. Patay na si Darna.” –Borgo

<<Episode 126                                   Episode 128>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Book Review