Thursday, February 2, 2023

Darna: Episode 124

 
124. Super Comeback
Hindi rin magtatagal ay mahuhuli na rin si Brian ni Borgo at ng kanyang mga Super Soldiers. Ang paghihinalaan ni Borgo ay ang nakita niyang pag-aalinlangan ni Brian na patayin si Lola Roberta. Pinana man niya ito sa huli ay darating naman agad si Darna upang salagin ito at iligtas ang mga tao. Dahil dito ay magtatangkang tumakas si Brian subalit wala rin siyang magagawa dahil lahat ng Super Soldiers ang hahabol sa kanya at hindi rin naman siya makakatakas dahil sa kapangyarihan ni Sigfried na bumabalot sa kailang bagong kuta. Ibabalik ito kay Borgo at ikukulong kung saan pagtutulung-tulungan siyang bugbugin ng lahat ng mga kalaban niya roon lalo na si Ishna na matindi ang galit sa kaya dahil sa pagpapahiya niya sa kanya at sa kapatid niyang si Vorian sa harap ni Borgo. Nagdiriwang man ang Nueva Esperanza sa pagbabalik ni Lola Roberta sa kanilang bahay at dahil na rin sa pagkakabalik ng ilaw sa kanilang mga tahanan, hindi nila batid na nasa panganib ang buhay ni Brian. #DarnaSuperComeback


Ang bilis naman nahuli ni Brian. Sabagay hindi na rin naman nila dapat pagtagalin dahil anim na kabanata na lang din naman ang natitira. Maigi na rin ito upang matapos na agad. Mabuti naman at hindi nagtanga-tangahan ng matagal na panahon si Borgo at nakatunog na rin agad siya. Ang tanong ay kung maisasakatuparan pa rin kaya ni Brian ang mga balak nila ni Darna at mag-aaway pa rin kaya ang mga Super Soldiers sa loob? Ang inaasahan ko sana magyari ay may mamatay pang isa o dalawang Super Soldiers bago ang matinding bakbakan sa huli. Mabawas-bawasan man lang sana yung mga kalaban ni Darna ano dahil iilan lang naman sila sa kabilang pangkat. Baka mamaya niyan kahit si Lola Roberta isama na rin dahil kulang na kulang sila sa tao. Tapos babalik pa si Valentina. Ano ba naman yan. Ang dami-dami na nila doon sa pangkat na iyon. Huling limang araw na po sa susunod na linggo kaya sana naman kapanapanabik na ang mga kaganapan ano. #DarnaSuperComeback


124. Super Comeback
It won’t take long for Borgo and his Super Soldiers to finally catch Brian in the act. What raises Borgo’s suspicions is him seeing footage of Brian hesitating to kill grandma Roberta. Even though he still shot the arrow towards her in the end, Darna suddenly arrives to shield everyone from the arrow. Because of this, Brian attempts to escape but he really doesn’t have any leverage against all the Super Soldiers pursuing him on top of not being able to penetrate Sigfried’s force field which is covering their new hideout. He is taken back to Borgo and is kept captive, with all his enemies there taking turns in beating him up, especially Ishna who despises him for embarrassing her and her brother Vorian in front of Borgo. Although Nueva Esperanza’s inhabitants are all celebrating the return not just of grandma Roberta to her house but also of electricity in their homes, they are not aware that Brian’s life is in danger. #DarnaSuperComeback


Gee, Brian, you got caught fast, huh? Oh well, they really cannot dwell on this subplot anyway because they only have six episodes left. This is probably for the best so they can end this quickly. It’s nice that Borgo did not play the idiot for a long time and immediately got a hint. The question now is whether Brian can still carry through with his and Darna’s plans and whether the Super Soldiers will still have a go at each other. What I was expecting is for one or two more Super Soldiers to die before the big fight in the end just so their numbers would decrease. I mean, come on, there aren’t too many allies on Darna’s side. Who knows, perhaps even grandma Roberta will be drafted in the end because they don’t have the numbers. And then we also have Valentina’s impending comeback. What the heck? There are just so many of them in that group. We are down to the last five days next week so I wish that we’d get to see some exciting developments. #DarnaSuperComeback

"Ano ang laro mo, Robles?” –Borgo

<<Episode 123                                   Episode 125>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Theater Review

Theater Review