Friday, February 3, 2023

Darna: Episode 125

 
125. Super Valentina
Habang tuloy lang ang pagpapahirap ng Super Soldiers kay Brian ay magigising na si Valentina na may bagong kasuotan na mas maikli at mga matang namumuti sa pagka-uto uto kay Borgo. Halatang wala na siya sa sarili ngayon at mistulang sunud-sunuran na lang sa mga inuutos sa kanya. Tutulungan nila Ding at Trisha ang paglikas ng mga taongbayan nang sila ay bigla-biglang salakayin nila Pineda, Andre at Ali. Biglang gagamitin ni Trisha ang kapangyarihan nang hindi niya alam upang iligtas silang dalawa ni Ding. Makikita ito ng lolo niyang si Diaz habang nagmamatyag ang matanda sa pook na iyon at tatanggapin naman si Trisha ni Ding at ng lolo niya na walang halong panghuhusga. Darating si Darna upang kalabanin ang tatlong Super Soldiers na nanggugulo. Mabilis niyang mapababagsak sila Pineda at Andre subalit may dalawang ahas na sasalo kay Ali sa pagkakatilapon nito sa gilid ng daan. Muling magkikita sila Darna at Valentina at magtutuos muli. #DarnaSuperValentina


Ayan na nga at sunud-sunuran na lang ngayon si Valentina. Sa totoo lang ay nakakapagod na rin ang mga ganitong kinahihinatnan ng mga malalakas na tauhan na hindi mapasunod ng isa pang tauhan na mahina sa kanila. Kung ito na nga ang daloy ng mga pangyayari, malamang ay alam na nga natin ang magiging katapusan niyan. Ang tanong na lang ngayon ay ano kaya ang magpapabalik kay Regina. Ano ang maaaring sabihin o gawin ni Narda upang maibalik ang kaibigan at mabigyan ito ng pagkakataong magsisi bago patayin o ikulong dahil iyan lang namang dalawang iyan ang laging nangyayari sa huli sa mga kalaban. Sa ngayon, parang ang dami pa nilang mga buhay na may kapangyarihan e limang kabanata na lang naman ang natitira. Paano kaya nila tatapusin ang kanya-kanyang sala-salabat na kwento ng mga tauhang ito? Paano man nila tapusin ay masaya na rin ako dahil sa wakas ay mababawasan na ko ng gagawin araw-araw lalo pa at di na talaga ako naaaliw nitong mga nakaraang buwan sa panonood. #DarnaSuperValentina


125. Super Valentina
While the Super Soldiers continue to torture Brian, Valentina finally wakes up from her slumber with a new and shorter costume as well as eyes as white as snow signalling her new role as Borgo’s drone. It is evident that she no longer has self-consciousness and is now just one of the soldiers taking orders. Trisha and Ding help out in evacuating the citizens but are attacked by Pineda, Andre, and Ali. Trisha unwittingly uses her powers to save herself and Ding. Her grandfather witnesses this while on patrol in that area and accepts Trisha, along with Ding, without any judgment. Darna arrives to confront the three Super Soldiers wreaking havoc. She quickly knocks out Pineda and Andre but two snakes save Ali when he is thrown off the pavement. Darna and Valentina finally see and confront each other once again. #DarnaSuperValentina


Well here we go with Valentina now being a mindless drone. To be honest, this kind of subplot where a powerful character is subjugated by another character less powerful than them is a tired trope. If this is where the plot is headed, then we already know, more or less, how all of this will end. The remaining question now is what will trigger Regina to come back to her true self now. What can Narda say or do to bring back her friend and give her an opportunity to repent before getting killed or jailed, because those are the only two options that always tend to be available for villains. For now, there are just too many of them with powers who are still alive when there are only five episodes left. How are they going to give closure to all of these interweaving storylines of all these characters? However they decide to do it, I’d be glad because finally I will have one thing less to do every day because I’m really no loner that impressed watching this show in the last few months. #DarnaSuperValentina

"Ngayong gising ka na, isa lang ang misyon mo, ang dalhin si Darna sa akin.” –Borgo

<<Episode 124                                   Episode 126>>

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Theater Review

Theater Review