Sunday, November 5, 2006

Legal!

Novembro 29 - 4
Legal!

Soundtrack of the Week
  1. Gocce di Memoria [GEORGIA]
  2. Bye Bye Na [RIVERMAYA]
  3. Tous Unis [LARUSSO]
  4. Maging Sino Ka Man [SANTOS]
  5. Bituing Walang Ningning [GERONIMO]
Movie of the Week: The Grudge 2
  • Sarah Michelle Gellar is so DEAD. She died in I Know What You Did Last Summer; She died in Scream 2; She survived the Hollywood remake of The Grudge only to die in this sequel; As Buffy she died twice (or was it thrice?); No wonder her career is so... Dead.
  • Bakit pag binibigyan sila ni Espasol ng pagkakataon tumakbo hindi nila ginagawa, the Japanese guy could have survived if he ran.
  • I’ve seen that Japanese guy before; he’s the host of MTV Whatever Things!
  • Bakit yung ibang victims ni Espasol nawawala pero yung iba hindi? Favoritism ba ito?
  • Yes, it is scarier than the first one.
  • Good news is that everyone died kaya wala nang sequel!
  • Ok ang film kasi hindi lang siya remake kundi part of the original version.
  • And so the Horror genre has been typified by overpowdered women with huge varicose veins in their faces and overpowdered little boys who actually think they are cats.
Moron of the Week: PC
Sa totoo lang gusto ko na paliyabin itong PC na ito kaya lang hindi ko magawa kasi kapag ginawa ko wala ako lalong gagamitin at lalong mapupurnada ang mga pinaggagagawa ko na may kaugnayan sa PC kaya ito mas lalo akong naiinis kasi inis na inis na nga ako pero wala akong magawa kundi pagtiyagaan siya. Grrr. I hate you PC, I hate you! Lagi ka na lang nava virus! Pati yung memory stick ko hinawaan mo ng virus! Pati ako hinawaan mo ng virus nagkasipon at ubo tuloy ako, leche ka! Nagsusulat ako ng Daily Diary bigla ka na lang magre restart! Ano bang problema mo ha? Ano away? Sapakan na lang!
En el infierno enterita enterita te vas a quemar... AMEN.

Event of the Week: Sweldo na ako!!!
Nakuha ko na ang una kong sweldo. Sabi ko sana gagastusin ko lahat kasi di ba ganun naman dapat? Unang sweldo mo e, I mean isang beses ka lang magkakaunang sweldo kaya kailangan celebrate. E medyo kumatok ang konsensya, ibangko daw. Ok, fine! Pero binawasan ko pa rin pang celebrate! Hahaha. Kumain lang kami ni brother sa Amici di Don Bosco tapos pinanood namin si Espasol na magkalat ng lagim sa The Grudge 2. Tapos ayun umuwi na kami. Ay bumili pala ako ng The Amber Room. Bale ang kulang ko na lang sa Steve Berry collection ay yung bago, yung templar something, na naman.

Politics: Nakabalik na si GMA from her China field trip at talagang nag side trip pa sa Hongkong. Si Luli naman nasigawan ng immigration officer. Luli naman kasi mag ayos ayos ka naman. Akala siguro ng immigration officer magdi DH ka sa Hongkong e alam mo naman tayong mga Pinoy basta sa kapwa Pinoy mga matapobre pero pagdating sa mga foreigners... Ewan.

Showbiz: Oscar Best Actress race is getting tight, likely nominees are Helen Mirren (The Queen), Kate Winslet (Little Children), Penelope Cruz (Volver), Judy Dench (Notes on a Scandal), Cate Blanchett (The Good German), and Meryl Streep (The Devil Wears Prada). The “Catfight” as dubbed by The Envelope gets tighter as Gong Li (Curse of the Golden Flower) joins the lot. Gong Li! Gong Li!

Work: Full-time na nga ako sa pagsagot ng telepono. Medyo mahirap kasi maraming weird accents na tumatawag tapos yung iba excited magsalita, parang hinahabol ng 10 maniningil. So far 2 pa lang naman ang ipinasa ko sa supervisor, kasi 2 pa lang ang nasagot ko, joke! Siguro naka 20 calls din ako this week. Naiintindihan ko naman sila tiyaka nililinaw ko before I make a move. Go fight!

Chatmates: Siyempre mas mahaba pa talaga ang segment ng chatmates kesa sa trabaho di ba, hehehe. Well nadagdagan ang chatmates. Nadagdagan ng Thiago at Gustavo ang Julianna at Vanessa. Hindi na ako kinakausap madalas ni Vanessa, si Julianna ang madalas ko kausap. Yung Gustavo naman nag usap kami one time tapos banggit siya ng banggit ng “LEGAL” so akala ko abogado siya, mas mataas ang rank niya sa amin, at sa Legal Department siya nagtatrabaho. Tinanong ko si Julianna kung friends sila ni Gustavo, oo nga daw, tiyaka “LEGAL” nga raw si Gustavo. E di the next day tinanong ko nga siya kung abogado siya, hindi raw. Yun pala ang ibig sabihin ng “LEGAL” sa Brazilian Portuguese slang ay “COOL.” Ok, tapos tawa ng tawa ang hinayupak, hehehe. Lesson learned: LEGAL = COOL. Translate kasi ng translate sa English e.

Academics: Lumabas na ang dalawang grades na inaabangan ko. Kung tama ang hinala ko na 1.75 ang border ng CS, abot pa ako – 1.74, photo-finish! So kung ganun hindi nagkatotoo yung prediction sa Halloween’s Resolutions article. Whatever. Serious mode na next sem, kailangan ko na mag US, hindi pwedeng hindi! Good luck naman, with Calculus around... Bahala na si Batman.

Future: Going strong na ang BS Economics second degree after graduation plan. Mas ok siya kasi yung MA Asian Studies kahit MA e hindi naman din magagamit. At least yung BS Econ pwede yun gamitin pang apply sa kung saan saan kung gusto ko magpayaman, hehehe. Ang problema lang dito hello Mathematics na naman. Peste, damn numbers. Di bale magkakaalaman na sa Calculus this sem.

Surroundings: Medyo nabawas bawasan na ang pagka addict ni brother sa Regine Velasquez song. Sa midnight surroundings naman, masaya pala bumiyahe ng hatinggabi! Malamig ang hangin, tahimik, at peaceful talaga ang paligid unless ma hold-up ka. Bumagyo nga pala ulit this week pero hindi kalakasan masyado, one day nga lang yata tumagal kaya ok na rin.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review