Saturday, November 11, 2006

Rise of the Zombie

Novembro 5 - 11
Rise of the Zombie

Soundtrack of the Week
  1. Christmas in Our Hearts [CHAN]
  2. Dubidoo [KAMIKAZE]
  3. We Fit Together [O-TOWN]
  4. Perfect Christmas [CHAN]
  5. Maging Sino Ka Man [SANTOS]
Movie of the Week: Marie Antoinette
  • Sofia, thou shall not omit the guillotine scene in any movie with Marie Antoinette in it because that’s what our queen is famous for, no wonder a part of the audience booed you at Cannes.
  • Long shot ito for a Best Picture nomination sa Oscar pero frontrunner siya sa costume design the last time I checked.
  • Ok naman roles ni Kirsten, girl vampire-cheerleader-tennis player-Queen.
  • The movie would have been better if done in French. Kung sila Monica Bellucci nga nag Aramaic sa The Passion kayo French lang hindi pa kaya?
  • What’s with Sofia Coppola and boring films?
  • Gaya ng sabi sa Peyups, para siyang isang mahabang MTV.
  • Half of the movie was spent trying to make Louis XVI have sex with Marie Antoinette so she would bear the much awaited dauphin, boring!
  • Kirsten, remember when Reese did Vanity Fair and people started saying that she would be nominated for an Oscar? Didn’t happen. However, she made a musical the following year and won the statuette. Try her formula.
Bad Habit of the Week: Puyat
Nag registration assistant kasi ako kaya nung Monday to Wednesday e madyo tig 5 hours lang ata ang tulog ko per night. Actually mahaba haba pa nga yun e. So ayun litaw na litaw na naman ang mga eyebags ko. Zombie talaga as in. Nakakatawa nga e kasi di ba pag first day nanghihingi ng mga ID pic ang mga prof, siyempre sa ID pic mukha akong addict tapos sa personal mukha naman akong zombie! Bwahaha, malilito na sila which is which. Ngayong linggo na ito appropriate yung title na Walang Tulugan e kaso taken na. Nakabawi na naman ako simula Thursday, ayos na ang oras at balik 8-hour sleep na per night. Tulog!

Activity of the Week: Registration
Hindi mo ramdam ang registration kapag resgistration assistant ka. Yun nga lang 3 araw ka nasa UP pero masaya! Masaya mag enlist ng estudyante! Masaya magpabalik balik sa whiteboard para i update ang available slots (Babaw ng kaligayahan!) Masaya sumalo ng mga canceled subjects, hehehe. Basta masaya ang registration. Sana next semester pwede ulit ako mag apply. Wala siyang sweldo pero yun nga ang experience naman ang habol mo dun tapos masaya nga. Word of the day: Masaya. Nakapagbayad na rin ako nung Wednesday. Hindi nga pala ako kumuha ng Calculus this sem, hehehe. Summer ka na Calculus! Harharhar. Hindi na rin ako magsi sit-in. Just 18 units this sem, no more no less.

Politics: Nag midterm election (tama ba ang term?) na sa US at nagwagi yata ang mga kalaban ni Bush sa senate ba? Hahaha, halatang hindi ako updated! Pasensya wala kaming CNN e. May naririnig ako na may magre resign ba o magre retire tapos nirerekomenda yata na si Miriam Defensor Santiago ang papalit. Sa Judiciary ata yun e, sino nakakaalam?

Showbiz: Hiwalay na si Reese Witherspoon at Ryan Philippe. Hiwalay na rin si Britney at si K-Fed. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ang entry natin sa Oscar for Best Foreign Language Film. Si Bakekang na ang number 1 sa primetime, hindi na si Captain Barbell. Magkakaroon daw ng Starstruck 4 (Exactly how many sequels do they need?)

Work: Huling linggo na ng solo trabaho, next week may pasok na sa UP. Medyo magulo yung transition pero kaya yan. Sanay na ako sumagot ng telepono, para na lang siyang normal na pang araw araw na gawain. Hindi na ako parang aatakihin sa puso pag nakakarinig ng ring. Nakausap ko sa phone ang aking very first Portuguese-speaking client, success! Hahaha, level-up na naman, yahoo!

Academics: I think I will really enjoy this sem. Best opening day so far is for Political Analysis, Why did the chicken cross the road? Hahaha, I heart Ma’m Casambre talaga! One of, if not the best professor in UP (in my opinion of course, tie sila ni Sir Luis Teodoro ng MassComm) Information overload naman ang Biology 1: Tig 6 daw ang tenga natin nung fetus pa tayo kaya yung may mga kuntil daw hindi nag fuse maigi; Ang Pilipinas daw ang 2nd of 17 mega diversity countries (2nd to Madagascar); Pwede na raw mag shopping ng sperm ang mga babae via Mechanical Reproduction kaso di daw pwede dito kasi Katoliko; Bakla raw tayo lahat during the embryonic stage; etc. Sir Quilop naman ang International Relations, in collaboration daw with the College of Music yung course kasi pag di nakasagot sa recitation kakanta at the end of the class. Hehe...

Language: Nagsimula na ako ng organized learning ng Portuguese. I do grammar and audio-lingual training everyday. Routine na siya in short para effective tapos sa work naman practical application. Hanep di ba. For Spanish medyo walang practice pero nakabili na nga ako ng Como Agua Para Chocolate kaya yun na ang practice for Spanish. French and Italian suspended temporarily.

Books: Nakabili na ako ng Spanish version ng Like Water for Chocolate sa Fullybooked Cubao!!! Medyo may kamahalan, matagal ko rin pinag ipunan. Na diskubre ko na marami rin pala silang Gabriel García Marquez books in Spanish! Hahaha, magtatampo sa akin ang Powerbooks kasi may bago na akong favorite... Gusto ko yung Recuerdos de Mis Putas Tristes ni GGM, bilhan niyo ako dali!!!

Surroundings: Medyo na addict lang naman sa Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan yung MRT radio na talagang araw araw inuulit ulit. Aba malapit na nga pala ang pasko ano? E bakit ang init! Nasaan na ang malamig na simoy ng hangin? Bakit sa hatinggabi lang siya present? Napansin ko rin na kumunti na ang billboards sa EDSA pero may mga natira pa rin. Wala lang, hehehe.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review