Saturday, November 18, 2006

Dance Dance Dance!

Novembro 12 - 18
Dance Dance Dance!

Soundtrack of the Week
  1. Do You Only Wanna Dance [MYA]
  2. Dance Like This [WYCLEF]
  3. Bakit [GO]
  4. Dirty Dancing [BEP]
  5. Maging Sino Ka Man [SANTOS]
Movie of the Week: Dirty Dancing Havana Nights
  • Enroll me in a dance class! Right now! In Cuba!
  • Ang kulit ng reaction ng parents dun sa semi-finals dance number, di alam kung matutuwa dahil dancers din sila o mahihiya sa boss.
  • Gael has outshined Diego since their Y Tu Mama days but the latter sure is the better dancer.
  • The role of Romola Garai was first offered to Natalie Portman; Romola is ok but I would have wanted to see Natalie dance ballroom; ok she did Pole Dancing in Closer but that’s uhm... different.
  • The role of Diego was first offered to Ricky Martin... A very big WHY?
  • The semi-finals dance was like WOW! Galing galing!!!
  • I don’t know if this is better than the original but what I like is that they put the Cuban revolution as a background for a light movie about dancing.
  • Whatever happened to Romola Garai and Diego Luna after this film?
  • In my opinion one of the best dance movies, hehehe, ang bias; Ang ganda pa ng soundtrack! Nakaka addict yung song and dance number talaga!!!
Moron of the Week: PC
Sagad na sagad na ang pasensya ko sa PC ko. Gusto ko siyang paliyabin. Gusto ko siyang sabuyan ng asido. Gusto ko siyang tadtarin ng martilyo. Gusto kong maranasan niya ang nararanasan ng mga taong tumatalon mula sa seventh floor at sumasalpak sa sahig ng ground floor. Gusto ko siyang i axe-kick. Gusto ko siyang ipakain sa isang batalyong scarab beatles straight out of the The Mummy movie. In short inis na inis na inis na ako sa kanya. Pero sige pagbigyan. Pasalamat siya at sobrang natuwa ako sa panonood ng Dirty Dancing Havana Nights at Love Actually... Grr pa rin siya. Bwiset.

Addiction of the Week: Dirty Dancing Havana Nights and Love Actually
Ang kulit kasi ng dalawang movie na ito e. Bumili ako ng VCD kasi lagi namang sale tig 100 lang sila. Hindi ako nagsisi! Kada umaga yata nire replay ko yung semi-finals dance number nila Diego at Romola. Parang ang saya tuloy mag ballroom, bwahaha, DI. Yung Love Actually naman inuulit ulit ko yung scenes ni Billy Mack (ang kulit kulit niya dito tawa ako ng tawa) tiyaka yung Christmas production number kung saan kinanta yung “All I Want for Christmas is You” ramdam na ramdam tuloy ang Christmas spirit! Gusto ko pa naman mag ala Grinch this Christmas. Dahil sa Love Actually hindi na pwede, huhuhu. Addict na ako sa dalawang pelikulang ito!!! Wahh!!! Christmas na!

Science and Technology: Nagde develop daw ng robotic maids ang South Korea. Ang Israel naman magde develop daw (o nagdedevelop na ba?) ng Bionic Hornets na gagawing war weapons to trace and kill hard to find enemies daw, hahaha ayos. A couple of metoer showers for this week and the week to come. Storm discovered in Saturn daw that is almost similar to Earth’s storms...

Showbiz: Two weeks nang number 1 sa US Box Office ang Borat. Nakita ko yug trailer and I am definitely watching it. Sa November 22 na po. Mukha talaga siyang nakakatawa and I guess worth watching naman, hahaha. Natanggal na yung lopez couple sa The Amazing Race Asia, alam ko sila Aubrey matatanggal din hindi ko lang alam kung kailan. Sayang yung dalawa.

Work: Nakikipag chat na rin ako sa mga Brazilians (clients this time) on a normal basis. Nabawasan nga ang chat time with chatmates e... Ok din naman ang mga tawag. Merong isang nag init ang ulo pero pinaliwanag ko lang sa kanya ang mga dapat ipaliwanag. After isang oras sumuko rin siya tapos pinasalamatan ang pasensya ko. Ok na rin, at least may pakonswelo. Sweldo na nga pala uli.

Academics: Dumarami na raw ang barkadahan nilang mga diabetics sabi ng Bio prof. 8 million na raw sila sa Pilipinas, wag daw sasali sa barkada nila. Isa suggest ko sana na gumawa sila ng group sa Friendster, hehehe. Hindi nakasali sa Why did the chicken cross the road discussion kasi nag absent. Worth it naman ang pag a absent kasi merong isang dambuhalang realization na naganap na sa tingin ko ay mas nag pay-off kesa sa Why did the chicken cros the road discussion. Maarte ang guard sa Bio gusto naka strap pa ang UP ID. Nagsimula na ng discussions sa Statistics, mukhang tama naman ang sabi ni Prof na di siya kasing toxic ng Math 17. Wala pa masyadong assignment except sa subject ni Ma’m Casambre (ok lang!) Mukhang merong magiging favorite si Sir Quilop sa class na pag initan (buti na lang hindi ako!) Nag a adjust pa sa pang hapon na schedule.

Language: Well wala naman talagang developments ganun pa rin meron lang daily activities pero mainly in Portuguese. Hindi na ako nagre review ng Spanish pero hindi naman pwedeng gawing excuse yung work. Dapat nagre review pa rin pero sorry wala na akong time. Nag start na rin ng review ng Italian Grammar. So yun lang, Portuguese and a little bit of Italian for now.

Conversations with the Inner Self: Shet, the peak of mental retardation. Confronted the moron and asked what the hell does it really want. A little drama ensued saying that all it wants is what’s best daw. Yeah right. Made ammends. Realizations came to pass. Will try to work together for the greater good. Will try to fix wretched life daw. Whew, I’m going crazy!

Surroundings: Full blast na ang work schedule. Medyo hindi na nagkikita ni brother dahil sa hectic work schedule. Survivor naman at nakakayanan ang pressure, normal pa rin. Maaga na dumilim. Late na lumiwanag. November na pero mainit pa rin. Pa ok ng pa ok ang mga pinapatugtog sa MRT radio pero addict pa rin sa Christmas songs. Ok lang. Help me Grinch!

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review