Friday, September 26, 2003

Happy Birthday!

FRIDAY
September 26, 2003
Happy Birthday!

Masaya ang araw na ito. Maraming nangyari. Basta masaya!

First stop, birthday! I’m 18! The legal age for everything! Pwede na mag lotto, mag bingo, mag game show, atbp. Ang saya saya talaga. Para akong nakawala sa kural. Masaya na ako, I’m free!

Tumawag nga kahapon ang Eat Bulaga at ngayon ang shooting. Sa UP na ako nagdaan at sumakay ng Katipunan. Traffic pala sa Katipunan. Nadaanan ko rin ang Miriam at Ateneo. Sa wakas, nakita ko ang McDo sa tapat ng Shakey’s. Yun na yun, bumaba ako. Didiskubrihin ko muna sana kung saan ang Tape Office pero nag decide ako na kumain muna sa Shakey’s. 100 pesos din ang nagastos ko sa Shakey’s pero ok. Kahit parang medyo lasang panis ang pizza.

12:15, went to Tape Office. Maaga pa raw, pinabalik ako ng 1 PM. Bawal umistambay kaya naglakad lakad hanggang makarating ulit sa Katipunan. Spent time in National para malamig. 5 to 1 PM, went to Tape Office. Nakilala ko ang isa pang mag o audition na si Sang from UP din, 5th year Theatre Arts. At ang bading na si Humphry. Pangalawang audition na raw niya yun at dapat daw e makuha na siya. Masaya, 2 PM nag start. Nanginginig akong nag audition.

3 sets of 6 questions each. Each set for 30 seconds. Two rounds. 16/18 sa first round. 11/18 sa second. Kakatakot but I survived! Ewan ko kung pumasa si Humphry at Sang. Tatawagan na lang daw para sa schedule ng Taping. Eto na talaga, contestant na ako!

Questions lang sinong lumikha kay Darna at Dyesebel, how many were the original US states, etc. I survived! Sana makaungos ako sa elimination round. If not, I could always join again.

Masaya, at dahil birthday, celebrate. Ice Skating sa SM. I feel that I’m starting to get betterata Ice Skating. At least i’ve learned by myself at not by trainors na may mga dialogue like: “You’re wasting my time, you’re not even trying achuchuchu...” Kapal, binayaran para mang insulto. Ako, di na uy, I can learn on my own, even if it took me how many years. I’m proud!

Dumating sila Mama. Kumain kami sa McDo. At nanood ng movie ni Sharon at Aga. Sabi ni Mama, mukha daw mag Lola si Sharon at Aga, di naman, mukhang mag nanay lang.

Lord, thanks for all the great things which occured today, my birthday! Thanks. Viva La Renaissance!

NEWSFLASH: Patay na si Inday Badiday, sana mapunta na siya sa heaven. =)

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review