Tuesday, September 30, 2003

Game Show Na! Game Show Pa!

TUESDAY
September 30, 2003
Game Show Na! Game Show Pa!

Gumising ako ng 10 AM, natakot ako at baka ma late ako. Kumain na ko ng lunch. Nagluto si Mama. Naligo na ako at nagbihis. Nagbihis ng maigi. This is the first time I’ll leave home without a cap. Makikita ng mundo ang resulta ng pagka kalbo ko. Ayos na, I was ready to go. Sinong makakapagsabing makakauwi ako ng 10,000 pesos today?

Umalis na ako ng past 11 AM. Nag MRT pa Cubao at sumakay ng Stop and Shop jeep. Sabi ko pakisabi pag Broadway na. Kwatro pesos lang kaya alam kong malapit lang. Makaraan ang ilang minuto, nakita ko na ang Magnolia, St. Paul’s at ayun ang Broadway, ang laki laki ng pangalan. Baba na!

Hindi ako nag Eng 1 at Kas 2, malamang sagad na ang absences ko. Sabi pa naman daw ni Abejo wag daw mag absent. Lagot ako, sigurado nag group work. Ano na kaya ang nangyari? E sa Eng 1 kaya? Ewan, sinakripisyo ko na.

Ala una pasado sa Broadway, tinatanong ko sa guard kung saan ang Stop the Clock. Tinuro ako sa mga bench. Di muna ako umupo. Maya maya nagdatingan na ang mga taong maay dalang mga naka hanger na polo. Alam kong contestant din sila, mukhang matatanda na. Naghintay kami, meron pa akong mga babaeng katabi na pare pareho ng damit, boots at jogging pants. Text ako ng text kay Mama at text din siya ng text sa akin. Tinatanong ko siya kung ano ang suot ng Sexbomb, di pa raw lumalabas ang Sexbomb. Sexbomb pala ang mga nakatabi ko. Ahehehe, pakialam ko ba naman.

2:30 na kami tinawag para pumasok. Katabi ko yung defending champion, inexplain niya yung mechanics sa akin kaya ayos, familiar na ako sa game. Hindi pa nag start ang game pagpasok namin. Inayos pa ng mga maskuladong mama ang set. Nagbuhat buhat. Nag urung urong at kung anu ano pa. 4 PM na nag start.

Nakita ko na si nina Ricci Alagao bago mag 4. No wonder isa siya sa mga contestant sa celebrity. Nakita ko rin si Allan K kaya alam ko na isa siya sa magiging host.

4 PM na nag start ang first batch. Ganito kasi yun, first batch yung limang nauna, ipapalabas yun sa Thursday. Yung celebrity sa Saturday at kaming second batch sa Tuesday. Kami ang second batch, kami ang pinakamatagal naghintay. Tinawag kami for make up kaya di ko napanood ang start ng game, gusto ko pa naman makita para makapag stategize. Ok din naman, bwiset yung bading ginawa niya akong kamukha niya. Mukha akong bading dahil sa lipstick at sobrang puti. Sabi pa niya, “Maganda ang aura mo ngayon mukhang mananalo ka.” Sabi ko sana pero nakakatuwa at sinabi niya yun , nagdilang anghel yata. Ewan ko lang kung sinasabi niya yun sa lahat ng mine make up an niya.

Nanalo pa rin ang defending champion against dun sa kaisa isang girl na nag prevail sa lima. Nakuha pa niya ang Php500,000.00! 580,000.00 pesos lahat ang nauwi nun! Ang swerte, kasama nga ang tatay e. Nakita ko si Miriam Quiambao, siya ang kalaban ni Nina. Parehong nag Bb. Pilipinas – U. Nawala si Joey at Allan K. ng ilang oras, 6:15 na nag shoot sila Miriam, natapos ng quarter to seven. Buti na lang di ulit nag break. 7:15 nag shoot na kami sa wakas. Si Nina Ricci nga pala ang nanalo pero close fight lang sila ni Miriam.

Kami na. Nakakanerbiyos, Hindi nakatiis ang isang crew na sabihing mukha akong Grade 6. Nag start na, good luck sa aming lima. Ang unang tanong ay, “Ano ang smallest ocean sa mundo?” Nag buzz ako, mahirap malaman kung pang ilan ka dahil isa lang ang tunog. Ako ang pangatlo, mali yung unang dalawa. Mali din ang Indian Ocean ko. Next question, “Saan gaganapin ang susunod na Olympics?” Buzz ako, unang tinawag ang katabi ko kaya akala ko wala na. Tumunganga lang siya! Ako na ang tinawag! Pagkakataon! GREECE! 3x, tama! Di ko alam kung paano magre react. May Php10,000.00 na ako pero di ko yun napansin. Kinamayan ko ang mga katabi at sinabihan ng “Goodluck” e natalo nga sila, lumilipad talaga ang utak ko nun.

Nakalaban ko ang defending champion. Fourth time na niya yun kaya manalo o matalo e alis na siya. Minalas nga lang ako. Ni di ko siya nalamangan pero ok na rin naman. 17 ako, 24 siya, close dahil 3 questions lang ang lamang. “Sino ang leading lady ni Clint Eastwood sa Bridges of Madison County?” Ang tanong na yumari sa akin. Susan Sarandon na alam kong mali ang sagot ko. Merryl Streep ang sagot. Masaya ako kahit natalo ako, I am proud. You don’t get 10 thousand kung tutunganga ka buong araw di ba? In the end, all sacrifices were all worth it. At tandaan, “Beggars can’t be choosers” hindi “Beggars can’t be happy.” LOL.

Nakuha sa video yung episode kasi pina tape ni Mama kay Ate Anna. Umuwi na ako pagtapos nun. Tumawag muna ako para ipabalita na nanalo nga ako ng ten thousand. Natuwa naman si Mama na kasama si Tita Josie. Nag MRT ako pabalik. Nakakanerbiyos din knowing na may dala akong ganun kalaking pera. Pero di naman alam ng mga tao yun dahil a week after pa ipapalabas. 

Pagtapos nga pala nung game e sabi sa akin nung isang crew, “Sige punta ka na dun para mabayaran ka na.” Parang ang sagwa, mabayaran daw, hehehe. Tapos bawal na nga pala sumali ulit kasi pinapirma kami ng kontrata. Ito yung ilang questions na naaalala ko:

- Beggars can’t be? Happy? Bwahahaha! Choosers ang sagot.
- May tinanong na basketball player. Eric Menk? Mali.
- Element na Cu? Copper.

Basta nakalimutan ko na, nandun lahat sa VCD yun e, kasi kinopya ni ate Anna sa tape tapos nilipat ni Marlowe sa VCD tapos hindi na kami pinagbayad. Kailan kaya ako makakasali ulit sa game show? A basta ayos tong araw na ito, what a wonderful way to start the year!

The End.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review