Monday, September 8, 2003

Fraternity Daw O!

MONDAY
September 8, 2003
Fraternity Daw O!

September 28, ahem 8 pala, a day which will leave in (shet mali!) LIVE in infamy. First of all let me remind that it’s Mama Mary’s birthday today at di ko man lang siya naalayan ng kahit isa man lang na rosary round. Siguro talamak na nga ang pagkamakasalanan ko. Oh well, bago ang big event, Day review muna. 

Gumising ng malago ang buhok at pumasok sa UP. Nakakuha ng Libre kung saan nakakita ng tatlong hidden Bedans. J100 discussion e ang highly anticipated Myanmar press na sadyang napaka repressive, akalain mo bang bawal mag Internet? Presto, I therefore conclude na di ako pwedeng mabuhay sa Myanmar. Siyempre lunch na supposed to be tipid pero naging luxury lunch (Greenwich 90 pesos!) dahil na addict ako sa Brownie Magic at na atat sa Pizza Burger deluxe. Nakapag Internet pagtapos bago pumasok sa Potions class ng babaeng counterpart ni Snape na si Matandang Hukluban. Hindi niya ko mapapahiya ngayon dahil pinaghanadaan ko siya no! E kaso di niya discuss yung 20+ pages readings na binasa ko. Grrr. Pero in fairness e maganda yung JSA (Joint Security Area), Korean film na pinanood namin. I’ve heard about that movie before and all I can say is it’s great! Gory and brutal in a sense pero emotional talaga, maiiyak ang may mababaw na luha. After the film? E di uwian na, ano pa nga ba. Seems like a short trip... Gupit buhok barbero. The words are hunting (hAUnting tanga) me.

Ayan na ang barbero. Gusto ko talaga subukan magpakalbo. At dahil alam kong may degree naman ng pag ahit (kwatro ang pinili ko) dahil yun ang pinaka “hindi kalbo” Ayan na po. Inahit na ng mama. Shet mukha akong drug addict, and since di ko naman pwede ipa scotch tape ulit ang buhok ko, sige tanggap ko na. I just have to wear a cap for a month or so. Don’t worry, I’ll survive. 

Grabe na to, mukha akong alcoholic bastard. Ewan ko ha, pero siguro kung wala lang ang malalaki kong eyebags ok lang ang hairstyle na ito at di ako magmumukhang ex convict. Di ko pa kasi na try yung ice treatment na pang alis daw ng eyebags according sa diyaryo.

Kung may mas extreme man sa bago kong ayos e walang iba kundi ang reaksyon ng nanay ko. Matapos akong kulitin na mag nursing na lang buong weekend, ang instant reaction naman niya (Thanks sa pagkamahadero ni Abet at nabuking ang pagkakalbo ko) e baka daw sumali ako sa fraternity! Gasp! At isa daw ang pagpapakalbo sa requirements! Isa pang gasp! Nakapanghihilakbot na reaksyon. Siguro sa panahon na rin ngayon, paranoid ang mga nanay, ewan ko ba, hindi ko sila maintindihan.

Di pa rin ako makatingin ng direcho sa salamin dahil di pa ko sanay dun sa nakikita kong tumitingin pabalik sa akin. Well, only time will TELL.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review