Sunday, August 19, 2007

HS MEMOIRS


This is just a random collection of memories from the high school days for the sake of reminiscing. Visiting the past once in a while is fun but don’t forget to snap back to reality after your tour down memory lane.

Ang di raw lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan, pero sa palagay ko yung mga lingon ng lingon hindi rin makakarating kasi kada lilingon sila gusto nila bumalik, hehehe. Kaya paminsan minsan na lang lumingon at tandaan, ang biyahe ng buhay ay paharap, hindi patalikod.

First Year

v     Kinwentuhan tayo ni G. Tanpueche ng Ibong Adarna. Inalipusta rin siya ng ibang estudyante (kasama na ako) kasi malaki ang ilong niya. Meron pa ngang gumawa ng kanta e pero di ko na babanggitin kung sino, sabi niya to the tune of Eat Bulaga, “isang singhot, isang singa, buong mundo, mawawala!” Bad... Ako naman sabi ko magtatayo siya ng sarili niyang eskwelahan, ang pangalan ay Tanpueche Laki-Ilong School. Ang salbahe ko talaga kahit kailan...

v     Natutunan natin na dayap lang pala ang katapat para hindi ka makatulog sa kanta ng intrimitidang Ibong Adarna. Nagtaka rin tayo kung bakit laging ang role na lang ng amang hari sa mga kwentong ganun e magkasakit.

v     Nakilala natin si Miss Sharon as our guidance counselor at naging bestfriend siya ng buong batch!

v     Pagsakay natin ng school bus e kumakanta si Britney Spears ng “Hit Me Baby One More Time,” ka duet niya si Ricky Martin na kumakanta naman ng “Maria.”

v     Naabutan pa natin si G. Mampang bilang AP teacher. “Munika” (rising intonation) ang tawag niya kay Azalea Milan, at may mga gumawa pa ng chismis na may relasyon daw sila ni G. Tanpueche. (Hindi ako yun.)

v     Ang kwarto ng Science Faculty ay hiwalay sa iba dahil sila ang pinakamarami. Dun pa ang kwarto nila malapit sa Principal’s Office na malapit din sa mga lockers na malapit naman sa guard ng Gate 6.

v     Nakilala natin si Miss Alba. Tinuruan niya tayo ng General Science. Alam din natin na siya ang tinutukoy pag may nag drawing sa papel ng siopao na may bigote.

v     May phobia tayo sa demerits.

v     Napansin natin na may namumuong rivalry sa pagitan ni Mama Marz (Mrs. Marzan) at Mrs. Grape. Binansagan ding Mrs. Doubtfire si Mrs. Grape dahil kamukha naman niya talaga.

v     Maraming nag akala na galing sa kumbento si Mrs. Marzan dahil daig pa niya si Fr. Tarsi kung mag opening prayer. Sino ba naman ang makakalimot sa “Dear God, my manager, yada yada yada...”

v     Si Mr. Cordova pa ang principal. Marami ang takot sa kanya at isang sigaw lang niya e senyales na para magtago ka sa saya ng nanay mo. Binansagan siyang “Gudo” ng iba nating ka batch.

v     Kauupo pa lang ni Erap bilang presidente samantalang si Gloria naman ay vice president.

v     Sumikat si Miss Alarcon (Mrs. Sayo na ngayon) sa kanyang favorite line, ang TEK NOT (Take Note).

v     Wala tayong place sa cheering pero tayo ang pinakamaingay at pinakamagulo. May mga lobo pa tayong green na may nakakabit na picture ni Judy Ann at Wowie.

v     Nakilala na natin sa wakas yung High School teacher na orange ang buhok na nakikita natin nung Grade School tayo. Si Sir Willie pala yun.

v     Ambisyoso tayong lahat. Ang primary goal natin e maging honor student hanggang tinuruan tayo ng Algebra at umulan ng 77 at 79 sa classroom.

v     Natanim sa mga isipan natin na bawal mag loiter sa classroom pag lunch dahil may mga martial na naglilibot.

v     Iba pa ang ayos ng library (Malamang iba na naman ngayon), katapat pa ng pinto ang multimedia center (yung PC Internet) at unahan ang mga addict sa Internet pag recess.

v     The Dancers ang entry natin sa Dramafest. Pinag audition ako dito kasi kailangan ng batang-malnourished-na-mukhang-galing-Somalia role, buti na lang hindi ako natanggap.

v     Ginawa tayong mga utu uto ng mga Seniors para makakuha tayo nung pulang stub na kailangan e maka sampu ang bawat isa para walang punishment. Pinagalitan pa nga ako nung SEB officer kasi namigay ako ng stubs at nagtira lang ng sampu para sa sarili ko. Pakialamerong nerd.

v     Maraming pinagawa sa atin nung Integration Week. Yung una e yung 1/8 illustration board na may baby picture. Tapos yung nakapalda ang mga lalaki at naka pantalon ang mga babae. Nandaya pa yung iba nun kasi black ang sinuot nila para hindi halata. Nakalimutan ko na yung tatlo, basta alam ko lima yun.

v     Nag present tayo nung integration. Magkasama ang section 10 at 18 na nag present ng Martial Law. May nagsayaw pa nga ng traditional dance. Ang role ko nun e anak ni Asis kaya ang costume ko e yung Grade School uniform ko. Pagtapat ko sa mga Seniors, sabay sabay sila nag chant ng “GRADE SCHOOL GRADE SCHOOL!”

v     Ginagawa pa lang ang swimming pool. Ginagawa na nga ba? Basta dinadagdag na sa tuition yung panggawa nung pool na isang taon lang naman natin nagamit.

v     Bawal mag gel. Bawal magsuot ng jewelry except for wrist watch. Bawal ang sando sa mga lalaki at dapat black socks. Kulang na lang pati tatak ng underwear pakialaman, lolx.

v     Wala na ang mga softdrinks sa canteen. Apektadong apektado ako ng event na ito, hehehe.

v     Pinauso nung MIP teacher (Mrs. Ordonez yata yun) ang 99 or 65 quiz, yung isa lang ang tanong.

v     Hindi masyadong enjoyable ang retreat kasi kasama si Mr. Gavazan (yung bading na teacher), ang dami niyang tinakot na papauwiin nung retreat namin. Nag share din ang bawat estudyante tungkol sa mga drama nila sa buhay.

v     Nung mga bandang December, madilim na paglabas natin kasi 5:30 ang dismissal.

v     Si Fr. Tarsi pa ang rector. Siya ba? Oo alam ko siya.

v     Pinag donate tayo nung mga pambukas ng Coke in can para daw i donate sa mga gagawa ng wheelchair.

v     Binisita natin ang mga preso sa Munti nung Outreach.

Second Year

v     Kinwentuhan tayo ni Tita Fe ng Florante at Laura. Kinumbinse din niya tayo na tawagin na kuya at ate ang isa’t isa. Siya rin yata yung nagpauso nung hand gesture na sign ng quotation marks.

v     Ginawan ko yung isa kong kaklase ng Obesity Family Tree sa board kaya napagalitan ako ni Tita Fe. Ang salbahe ko talaga kahit kailan.

v     Kumuha na tayo ng Pact and Pois (yun ba ang tawag dun) examination, basta yung career track examination na madali namang dayain, hehehe.

v     Nabiktima tayo nung MIP teacher na galit sa mundo. Nakalimutan ko ang pangalan niya, basta siya yung laging pagpasok hahanapan ng butas ang ultimo kaliit liitang bagay, magse sermon tapos uuwi na siya.

v     Section 20 ang laging first sa convocation.

v     Sumikat ang Pokemon sa gameboy at maraming na addict.

v     Nilabas ko ang Pin-up-styrofoam-schedule-board Beta. Yun yung styrofoam na square na felt paper ang background tapos ipi pin yung subject, teacher at time na naka pentel sa mga construction paper cut-outs. Pinag initan yun ni Mrs. Marzan nung nag substitute siya kasi siya raw ang may ari ng blackboard.

v     Maraming bumagasak dun sa AP exam ni Mr. Caballero regarding the dynasties of China.

v     Mahilig magbigay si Mrs. Non ng special projects para tumaas ang grades ng mga estudyante sa Math.

v     Nauso rin sa Biology yung scientific names ng mga gulay at kung anu ano pa na pinauso nung Pera o Bayong segment sa isang noontime variety show. Pag walang underline ang scientific name mo, mali na yun agad, tapos dapat yata capital letter yung first name.

v     Silver tayo sa cheering at mukhang tayo pa rin ang pinakamasigla.

v     Nauso yung pakain kain sa college cafeteria imbes na sa ERV or Skyline.

v     Dumating na ang Jimini pizza. Hindi ako sure kung second year... Basta.

v     Isinama na ang Science faculty dun sa bigger faculty room.

v     Marami ang sumali sa COCC para maging officer ng CAT.

v     Sa Pula Sa Puti ang entry natin sa Dramafest.

v     Nag dissect tayo ng palaka kaya biglang nagkaroon ng negosyo yung guard sa Gate Six dahil siya ang tagahuli.

v     Inabutan pa natin si Mr. Quiambao sa PA noon na ang lessons sa Internet kinukuha tapos kailangan mo kopyahin ng long hand kasi kailangan ng notes.

Third Year

v     Naghiwa hiwalay na tayo ng landas. May Phy Sci, may Med Sci at may Lia Com, at gaya ng mga naunang batch, may discrimination din kahit paano.

v     Kinwentuhan tayo ni Clarita ng Noli me Tangere. Sumikat din siya sa pamamagitan ng kanyang mga matatalinhagang pananalita gaya ng ATEYNSHON, EKSTEYNSHON, IVARRA at marami pang iba.

v     Nalaman ni Maria Clara na si Padre Damaso pala ang tatay niya. Pinasayaw ni Donya Consolacion si Sisang baliw. Nakatakas naman si Ivarra ng ratratin siya ng mga gwardiya sibil dun sa ilog. Bakit nga ba hindi nila gawing telenovela ‘to ano?

v     Pinauso ni Mrs. Agbuya ang third bell dahil subject niya bago mag recess. Kung ang ibang teacher hanggang second lang, siya may third kaya wala na ring recess.

v     Si Mr. Mangaong na ang prefect. Hindi ako sure kung Third Year yun o Second year basta siya ang pumalit.

v     Kulay orange ang suot na T-Shirt ni C.Flo nung cheering. Hindi natin alam kung ano ang gusto niyang palabasin e blue dapat ang suot niya. Ang teorya ko naman ay: Since ang third year ay nasa gitna ng fourth year (red) at second year (yellow), pag pinaghalo mo ang dalawa at nagkita sa gitna (third year), orange ang kulay na lalabas.

v     Naka all red naman si J.Flo nung cheering, mula sa laso na nagtatali ng buhok niya hanggang sa sapatos niya. Hindi siya supportive ‘no?

v     Naging Chemistry teacher si Mrs. Monzon ng mga Med Sci na sumikat sa nunal niyang pinaghihinalaang source ng kanyang knowledge sa chemistry.

v     Champion tayo sa cheering pero ka tie natin ang seniors kasi natakot si Fr. Alloy na baka magka riot sa gym.

v     May entry pa rin tayo sa Dramafest pero nakalimutan ko yung title. Halos isumpa ako ng mga kasama ko dahil hindi ako marunong umarte. Kailangan na naman kasi ng batang-malnourished-na-mukhang-galing-Somalia role, e this time walang audition, pinili na lang ako bigla. Pag tripan daw ba ako.

v     Nag dissect na ng pusa ang mga Med Sci. Masaya ang experience na ito lalo na pag before lunch ang oras niyo, at least tipid ka na sa lunch kasi mawawalan ka ng gana kumain.

v     Naging Math teacher natin si Miss Zoilo at si Mrs. Mateo naman ang nagturo ng Trigonometry.

v     Dumami ang kainan sa ERV canteen, may Domino’s, Pizza Hut, Dunkin Donuts, UFO taho at yung isang tindahan ng shakes at frappes na mahal ang mga tinda.

v     Pinauso ni Miss Torres ang “Questions, Clarifications, Violent Reactions?” lessons ender.

Fourth Year

v     Nag exam na tayo sa iba’t ibang eskwelahan. Unang una na ang UP na kapapasok pa lang yata natin e nagbigay na ng application forms.

v     Nag enjoy tayo sa Peace Retreat, probably the best retreat ever. Three days yun at talaga namang pinaghandaan. Meron pang big bro at big sis. Si Mr. Cordova ang big bro namin nun pero hindi na siya Prefect. Nagbigay pa ng talk yung writer daw siya ng GMA 7 na sobrang enjoy magkwento at yung kasama niya na valedictorian daw nung high school. Meron pang gigisingin ka ng madaling araw tapos “kiss the cross” na medyo horror ang dating sa unang tingin pero ok din pala. At siyempre merong drama session pagbalik sa Bene kasama yung mga magulang.

v     Nagkaroon ng Book Two ang telenovela ni Ivarra, this time si Simon naman daw siya at nagbebenta siya ng alahas. Dapat talaga gawing telenovela ito e.

v     Nagkaroon ng bagong teacher sa Filipino na ang favorite vocabulary term e “klase” at parang mga Grade School ang kausap pag nagtuturo.

v     Merong mga new student na nakasama natin sa batch for the last year.

v     May entry pa rin tayo sa Dramafest pero nakalimutan ko ang title. This time wala nang role na bagay sa akin kaya sa sounds ako nilagay, haha. Nakakatawa na kung ano pa yung dalawang play na involved ako, yun pa ang mga nakalimutan ko ang title.

v     Nanalo yung entry natin sa Dramafest at nanalo ring best actress ang isa nating new student na ka batchmate. Masaya si Mama Marz nung ending nung play at nung tinawag na lahat sa stage para magsayaw, umakyat siya, hinubad ang blazer at winagayway. Masaya talaga siya nun kasi nanalo tayo.

v     Unfortunately hindi ni record ng IMC ang play kaya sa ala ala niyo na lang mapapanood yun. Basta ang mga kasali nun e sila Donna, Pia, Altair, Pam T., Mary Grace B., Raymond, Nelson, Johnus, Rommel, picture ni Jolina na nilagay sa ibabaw ng kabaong at boses ni Mrs. Sison.

v     Nag Human Anatomy at Biotechnology na ang mga Med Sci. Ang masaya dun e may mga mind boggling terms kang pwede gamitin para hindi ka maintindihan ng Phy Sci at Lia Com gaya ng sternocleidomastoid, vomer, ostoeblasts, at marami pang ibang weird. Pamatay naman yung 50 slides requirement na kailangan i pass or else hindi ka ga graduate.

v     Inantok tayo sa Economics classes ni Mrs. Saulog.

v     Nauso yung love letters nung bandang huli na. Promotor si Mrs. Marzan tapos sinundan naman ng Guidance. Hehe, hanep din sila mang trip ng estudyante e ‘no.

v     Nagkaroon ng debate na ang magkakalaban e lahat ng section ng fourth year with topics like Abortion, National ID System at Intellectual Property Rights.

v     Nagkaroon ng Interscholastic Debate kung saan nag walk out ang mga taga San Beda kasi pikon yung bading nilang coach. Naalala ko pa yung isa nating ka batchmate na medyo naasar dun sa lower batch, sabi niya: “Gumalang ka sa ‘kin ha, fourth year ako!” Ang tapang!

v     Nagkaroon ng Musicfest ba yun, basta yung magko compose ng song ang bawat section na naaalala ko e hindi sumali ang Section 42.

v     Maraming nainis sa Graduation Practice kasi feeling nila Mr. Mangaong gumagawa sila ng pelikula at gusto nila perfect ang kalabasan.

v     Graduate na tayo, meron pa nga akong naalala na isa nating ka batch na tumanggap ng award para sa isang subject tapos ang lakas ng palakpakan sa gym, naiyak nga siya e, probably the most touching scene nung graduation.

v     Umattend tayo ng grad ball at nag enjoy. Meron pang give away na VCD na remembrance ng batch natin.

v     Hindi tayo nag champion sa cheering. Third year ang inaaway natin nun kasi sila yung posibleng makatalo sa atin. Kampi tayo sa second year, tinulungan pa nga natin sila mag cheer dun sa Manlalatik Dance segment tapos nung nanalo sila biglang naging third year ang kaalyado natin, hehehe.

v     May mga gazebo nang bagong tambayan ng mga magkakabarkada.

v     Required mag swimming lessons para nga naman hindi masabing hindi natin nagamit ang swimming pool. After classes ang session. Hindi naman daw required yun pero di yata mapipirmahan ang clearance mo pag di ka nag attend, e di required din yun di ba?

     Unfortunately yan lang mga yan ang naaalala ko. Siyempre marami pang iba at kung gusto niyo dagdagan e di dagdagan niyo para masaya.

THE END

2 creature(s) gave a damn:

Cara Castillo said...

Ang saya basahin. galing mo naman, naalala mo pa lahat yan. from 1st yr to 4th yr talaga!

ihcahieh said...

@Cara Castillo - haha, matagal tagal ata akong nag reflect para marami-raming maalala when I wrote this six years ago! :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review