Sunday, December 3, 2006

Baliw Baliwan

Novembro 26 - 2
Baliw Baliwan

Soundtrack of the Week
  1. Itooshii Ito No Tameni [FUSHIGI YUUGI]
  2. A Dios le Pido [JUANES]
  3. Dubidoo [KAMIKAZE]
  4. La Tortura [SHAKIRA]
  5. Si Volvieras a Mí [GROBAN] 
Movie of the Week: Happy Feet
  • Dancing penguins. Singing penguins. Is this a musical?
  • The story is all abut a penguin who can’t sing and is viewed as different because he can’t. That’s about it.
  • Buti na lang nagboses si Robin Williams. Ramon the Latino penguin was hilarious, ang kulit ng mga hirit.
  • What’s your heartsong? Yun ang tagline. Kasi ang mga penguin daw kumakanta. Si Mumble Happyfeet sumasayaw.
  • Hindi ko nagustuhan... Pero HAPPY naman talaga ang movie. If you want to be entertained then go ahead and watch it.
  • It’s kinda funny that James Bond got beaten by a bunch of singing penguins in the NABO.
  • Ang galing magsayaw ng mga penguins, isali nga natin sa UAAP CDC next year, ako ang manager ha. Hehehe.
  • Bakit iba ang itsura ni Mumble? Bakit? Bakit?
Addiction of the Week: Fushigi Yuugi
Bumili ako ng pirated DVD ng Fushigi Yuugi! Unfortunately out of the 8 isa lang ang matinong gumagana. Papapalitan ko pa. Anyway addict na ako ulit sa Fushigi Yuugi. May manga na pala na Genbu Kaiden! Remember the priestess of Genbu and those two guys Miaka encounters to get the Genbu shinzaho? Sila Tomite at Hikitsu? Well may sarili na silang istorya ngayon. Mukhang mas complicated. This time galit sa kanila ang taongbayan kasi salot ang tingin sa kanila kaya kick-ass chick ang priestess of Genbu. As usual na in love pa rin siya sa isa sa Genbu 7 pero ang twist e parang Ranma yung love interest niya. In order to use his powers of the wind he must transform into a woman first. Saan ako makakahanap ng manga nito? Help! Addict na ako dito!

Politics: Ang alam ko lang magkakaroon ng bagong Supreme Court Justice ba? Si Miriam Defensor Santiago ang isa sa mga pinagpipilian yata. Meron pang isang babaeng candidate (parang Miss Universe, hahaha) kaya malamang magkaroon na tayo ng unang babae na Supreme Court Justice. Hindi ko alam kung Supreme Court Justice, basta Supreme Court, bwahahaha...

Showbiz: Natapos na ang Crazy for You. Sino dito ang nakanood ng ending? Bakit namatay daw si Janice? Matatapos na rin ang Pinoy Dream Academy (About time!) Ang papalit ay Goong, (Princess Hours) story about an alternate modern South Korea where a monarchy exists, seems interesting. Ipapasok na ng GMA ang Starstruck 4 anytime soon. Yun lang ang nabalitaan ko.

Work: Aba aba naglagay na ang mga supervisor ng number of cases handled by each agent every day at nakapaskil pa sa bulletin board ha. This is a new challenge kasi nabulgar na sa lahat ang performance mo. Rest day ko nung 1st day. 3rd place ako nung 2nd day. 1st ako nung 3rd day (angas!). Rest day uli ang 4th day. Bring it on! Hahaha. At least hindi na uber boring ngayon di ba!

Language: For the nth time nagsimula na ako ulit mag-aral ng French. Intensive Portuguese ako for the last few weeks kaya great relief itong French. I just can’t get rid of the notion that Portuguese is a very gay language, and by “gay” I don’t mean “happy” but “homo”. Maybe it’s because of the palatalizations, but Russian has way more palatalizations but it doesn’t sound gay to me. Ewan.

New Term/Fushigi Yuugi: NA NO DA = Ya know! Chichiri always adds this after every sentence, kahit seryoso. Nakakaaliw, na no da! Wahehehe. Am I the only one who thinks that Soi should be the gay seishi and not Nuriko? Mas mukha siyang bading, na no da. Tapos boses bakla pa siya, na no da. I hate Hotohori, parang pipitikin lang ni Nakago sa tenga mamamatay na.

Academics: Three days lang naman ako pumasok dahil sa Thursday typhoon suspension/Friday holiday combo. I’m bored with school. So far ang nae enjoy ko lang ay yung Wednesday class about Southeast Asia. Ang saya saya tapos kahit di ako mag notes natatandaan ko ang lecture kasi interesting ang topic. Interesting din naman yung iba kaso... Medyo mas toxic sila... Hehehe.

Future: Hello, who would want three more semesters of torture after graduation? Economics? Nahihibang ka na ba. Ayoko no. Basta after graduation stay for two to three years in the country. Better to work in an embassy for training. Instead of studying part-time, just keep the part-time call center job. Studying is fun but it has its limits too so please shut up about it already!

Surroundings: Bumagyo ulit this week. Reming naman ang pangalan niya ngayon. Hindi siya kasing lakas ni Milenyo. Actually mas malakas ata dapat siya e. Medyo baliw lang tong isang to kasi hindi malaman kung saan pupunta, lihis ng lihis. Kaya ang ending hindi masyadong naramdaman sa Metro Manila o baka dahil tulog lang ako maghapon kaya hindi ko naramdaman.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Book Review

Book Review

Book Review

Film Review