Tuesday, March 13, 2007

Oo na Ako na Yung nasa MYX!

Março 4– 10
Oo na Ako na Yung nasa MYX!

Soundtrack of the Week
  1. Irreplaceable [BEYONCé] ß LSS to the nth level...
  2. Wonderful World [MORRISON]
  3. Chingu [LEE DG]
  4. The Sweet Escape [STEFANI]
  5. Magbalik [CALLALILY]
Movie of the Week: Notes on a Scandal
  • Documentary kung paano manira ng buhay at mang iskandalo ng kapwa hosted by Barbara portrayed by Dame Judi Dench, lol. Hanep ang diary collection, nakalinya sa shelf at labeled ba complete with gold stars!
  • Nagandahan ako sa movie kasi suspense thriller (para sa akin ha) na walang serial killers, walang overpowdered crawling women and stuff. Judi Dench’s malicious stares would suffice to keep you at the edge of your seats. At siyempre kahit medyo overkill ang score kapag panic mode ang mga characters (as in ang lakas) effective naman.
  • Cate Blanchett’s freakout confrontation scene with Judi Dench at the near end of the movie is more than enough for her to have won the Oscar. I haven’t seen Dreamgirls yet but I have this theory that if you remove all of JHud’s musical performances in that film, collect all her pure ACTING scenes and place it vis-a-vis this single Cate Blanchett moment then it would be clear who should have won. Hehehe bitter-bitter-an mode.
  • Hanep ang mga lines sa movie na ito, raw and in your face talaga. Reminds me of the lines in Closer pero milder version, lol. At ang mga profanity talagang no holds barred mga tipong: “He is fucking fifteeeeen!” “You are not Virginia fucking Woooolf!” at siyempre ang quotable quote ni Sheba: “He’s quite matured for his age.”
  • Judi Dench’s performance was also a force to reckon with and I would have wanted her to win but I think it is clear that Mirren had the jucier role and I would not bash her (MIRREN) because there is a concensus that she CAN ACT and do it well and I believe in that.
  • Dame Judi’s Barbara character reminded me of a milder but feminine Hannibal. Ang galing nila pareho magplano. Napaka effective ng pagkaka portray ni Dench sa isang needy semi-psycho retiring History teacher. Ang kulit din ng descriptions niya kapag nagiisip ang kanyang character.
  • Nakakaaliw din yung one page report ni Barbara tungkol sa History department. Thorough nga ang pagkakagawa, kakaiba ang pagkaprangka.
  • Ang dumi ng mukha ni Steven, parang freckles na tinubuan ng mukha.
Academics: I am so glad na matatapos na ang semester! Would you believe na two weeks na lang? Parang hinihila ang araw! So far dalawang requirements ang matatapos next week tapos wala na puro exam na lang! Happiness! Hahaha, sana hindi ganito ang attitude ko sa summer, Calculus pa naman ang kukunin ko sa summer! Good luck naman sa akin, hahaha. 2 weeks vacation then sabak again!

Myx Video: Oo na ako na yung nasa MYX video. Isang araw naglalakad ako ng mapayapa sa oval, nagbabasa ng Italian diary dahil kagagaling ko lang sa class nang biglang may nakita akong isang batchmate nung high school na graduate ng UP FAVC. May bitbit siyang camera man at mic man. Sabi niya sabihin ko raw MYX SPACE VOTE SPACE TITLE OF THE SONG. Masunurin naman akong bata. Kunwari daw nagbabasa ako ng notebook. E di lumabas nga sa MYX. Malay ko bang seryoso yun, akala ko social experiment, lol. Hindi ko pa nakikita yang video na yan dahil ang MYX sa Studio 23 madaling araw lang ata. Yung kapatid ko nakita na. Yung pinsan ko nakita na. Yung mga kaklase ko nakita na, pati ka opisina ko! Well ano pang magagawa ko. Ayaw ko makita yang video na yan, lol. Hanggang ngayon pala pinapalabas pa rin yun? Bahala nga kayo sa buhay ninyo!

Work: Bumalik na rin ako sa phones this week, trying to balance between chat and calls. Ok na rin naman na mag calls ako para masanay, ok na kasi ako sa written Portuguese, mas kailangan ko ang oral practice. Merong retraining na magaganap pero sine schedule pa, thank God at meron dahil marami akong tanong! Boring pa rin ang work at community service pa rin ang turing ko dito.

If to have Makeover, how? Hahaha, funny topic. Anyway my face is my father’s; my mother only gave me two facial features that she could claim as hers: the brown eyes and the Gollum teeth. When I talk to people up close and maintain eye contact some of them would ask: “Naka contacts ka ba?” Contacts ka diyan, lol. Unfortunately kung may good news may bad news at ang bad news ay ang Gollum teeth. Maybe it could be blamed as the reason why I don’t smile a lot or maybe the reason is that there simply is nothing to smile about, mas logical. I therefore conclude na kapag nagpa makeover ako, ipapatastas ko lahat ng ngipin ko! Hahaha! Siyempre papalitan ng matinong ngipin na hindi malalaki ang spaces in between. Siyempre pearly whites din ang ipapalit dapat, magpapapalit ka na rin lang itodo mo na di ba. Dati kasi pearly whites din ang akin kasi nung yung nanay ko ang nagtu toothbrush sa akin nung kabataan ko feeling niya nag iiskoba siya ng banyo. Good side nun lagi akong sinasabihan sa school dental check-up na mukha raw instik yung ngipin ko, teka nga considered good ba yun? Ang bad side naman nun tortured ang gums, feeling nila api apihan sila. Ipahahasa ko na rin yung incisors para vampiric ang dating, ok din yun kasi pag nainis ako pwede akong mangagat. Tapos siyempre ang nabanggit na rin dati, dye the hair white, lol. Dying your hair with a radical color is like having a sex video. People will talk about it, hindi nila yun palalampasin at ipapamukha nila sa yo yun araw araw lalo pa’t nakikita nila ang ebidensiya. Hahaha, false analogy ata, whatever. Kung magbabago ka rin lang dapat total overhaul. Nonsense ang pagbabago kung di mo paninindigan e ningas kugon ako e, lol. Shet I’m talking non-sense. Di bale in paper lang naman ito, bwahahahaha!!!

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review