Wednesday, January 24, 2007

Reflections on Ice

Janeiro 14– 20
Reflections on Ice

Soundtrack of the Week
  1. Dámelo [JUANES]
  2. Do You Only Wanna Dance [BIG BAND]
  3. Es por Tí [JUANES]
  4. Girlfriend [N*Sync]
  5. Irreplaceable [BEYONCé]
Movie of the Week: Volver
  • Story about a mother’s “ghost” coming back to fix her daughters’ lives, hence the title VOLVER = “to come back”
  • I see an Oscar nomination for Penélope but definitely not a win.
  • Penélope Cruz shines in a role that would have made her look like an idiot had it been done in English; yes the language barrier does affect one’s acting prowess! Hehehe...
  • Great supporting cast specially Carmen Maura, and of course also Lola Dueñas and the kid.
  • Interesting twists, Almodovar does know how to enthrall his audience.
  • More or less this film is already a lock for the Best Foreign Language Film in the Oscar’s but is slowly losing steam to Mexico’s Pan’s Labyrinth.
  • According to one review, this is a story of women in contrast to Almodovar’s earlier work Mala Educación (Bad Education) which in turn was all about men.
  • Baka hindi ito ipalabas dito sa Pilipinas, I mean commercial release. Kung gusto niyo panoorin there’s always Divisoria and Quiapo but you can also ask Instituto Cervantes if they will be showing it here. I think ipapalabas nila ito lalo na kapag na nominate sa Oscars kaya wait na lang kayo.
  • Magaling rin pala kumanta si Penélope Cruz, hehehe.
Event of the Week: Golden Globe Awards
Meryl Streep wins a Golden Globe for her performance in The Devil Wears Prada. I think that assures her of an Oscar nod this year.

Rinko Kikuchi was blonde. She didn’t win in the Supporting Actress category for her work in Babel. She lost to Jennifer Hudson who won for Dreamgirls. Eddie Murphy also won Supporting Actor for the same film while the film itself won in the Best Picture Comedy/Musical.

Clint Eastwood was a double nominee but lost to Martin Scorsese for Best Director. Leonardo Di Caprio was also a double nominee for Best Actor but lost to Forest Whitaker. Sacha Baron Cohen won Best Actor comedy/Musical for Borat at riot ang speech niya. Helen Mirren was a double nominee for Best Actress TV, she won. She also won Best Actress Drama for The Queen.

Ugly Betty wins Best TV Comedy while Grey’s Anatomy wins Best Drama though IMHO I think it should have been 24. Jack Bauer lost to Dr House in the Best TV Actor Drama category. America Ferrera wins Best TV Actress Comedy for Ugly betty, defeating two desperate housewives along the way.

Politics: Nangsususpinde ng governors ang ombudsman. Siyempre kanya kanyang strategy para di mapatalsik sa pwesto. May mga nagbabarikada ng kapitolyo with trucks and traktoras while meron namang mala people power. Yung iba TRO. Bakit niyo nga ba naman papaalisin si governor e marami siyang fans --! I mean “supporters” pala. Election na naman! Hay politika sa Pilipinas.

Sana Maulit Muli: Na addict naman na ako sa show na ito! We are trying to prove kasi na If Only ripoff siya kaya lang nalilito na ako kasi based sa trailers bumalik nga ang time pero di magkakilala yung dalawang bida! Hahaha, nakakaintriga. Ang hirap din manghula ng mangyayari. Buti na lang weekends na lang ang schedule ko sa office! Harharhar. Kimerald <-- workshop pa, pilit acting.

Ice Skating: Na sampolan ko na rin yung Olympic size Ice Skating rink sa Mall of Asia. Ilang taon na rin akong di nakapag ice skating. Masaya mag ice skating kasi malamig, parang nawawalan ka ng pakiramdam kasi malamig. Paikot ikot ka lang kaya para kang zombie dahil di mo naman kaya magtata talon dun gaya nung mga pasikat. In a way therapeutic. Random thoughts flash in your head as you glide around the ice, cold atmosphere to boot. Kung gusto niyo mag isip isip tungkol sa mga bagay bagay, mag ice skating kayo kasi nakaka relax ng utak, yun nga lang nakakapaltos ng paa tiyaka medyo may kamahalan. Minsan nga lang nakakainis kapag ang iyong lebel ay gitna lang. Hindi ka anoying figure skater na maya’t maya sumisirko pero di ka rin tatanga tangang newbie. Ang hirap mag ice skating pag kasama sila, hahaha, angas. Skate na!

Work: Nag i improve na ang company at mas competitive na ngayon, meron pang mga incentives for different stuff. Siyempre for motivation, pero unfair sa aming mga part-timers, how can we compete with the full-timers? In short parang di rin kami kasali sa mga incentives na yan at least in the performance categories. Dapat man lang may sarili sana kaming division para fair. As for Portuguese clients hindi na rin kami nakakatanggap ng tawag nila at di na kami makatanggap ng e-mail nila. Spanish agents daw kasi kami kaya we should just do Spanish cases. Ok na rin naman. May mga chatmates pa naman ako na officemates from Brazil. Ok na rin kasi masasabi ko na I’ve learned Portuguese here almost from scratch, ngayon nakakakausap na ako ng mga Brazilians. Achievement yun di ba? Kaya ayun, at least gumaan ang trabaho. =)

Academics: Pinalabas kami sa Southeast Asia class nung Wednesday, late kasi kami dumating. Akala naman kasi namin talaga tapos na yung report namin. May utang kaming conclusion pero nagbigay na kami ng outlines and submitted an electronic copy through the net. Binigyan pa rin naman kami ng chance next week. Nakakainis lang kasi dapat tapos na ang paghihirap two weeks ago e!

Future: Naiinis na ako actually kaya I have decided na magpapadala na lang ako sa agos. Kung ano mangyari after graduation e di yun na. Sa sobrang preoccupation ko kasi dito parang wala na akong nagagawang matino e. Although nakakaaliw siyang past time, masyadong toxic. Para akong lumangoy ng ilang kilometro pagtapos. Stressed out na po, awat na! Awat na! Hehehe.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review