Saturday, October 28, 2006

Pasensya Na, Callboy Po

Octubre 22 - 28
Pasensya Na, Callboy Po

Soundtrack of the Week
  1. Bitiw [SPONGECOLA]
  2. Breakaway [CLARKSON]
  3. She’s No You [MCCARTNEY]
  4. Maging Sino Ka Man [SANTOS]
  5. Confessions of a Broken Heart [LOHAN]
Movie of the Week: La Vita è Bella
  • Roberto Benigni did deserve that Oscar for best actor but I would have to admit that his acting or perhaps his character in that film scares me.
  • Medyo hindi ko gusto yung ending with all that “Abbiamo vinto! Abbiamo vinto!” stint, hello parang namatay kasi yung tatay mo e no. Pero sige pagbigyan, bata naman yun tiyaka di niya alam na morto na si Babbo.
  • Sa film na ito ko na-witness ang true horror ng holocaust. Akala ko sa Germany lang, sa Italy din pala. I haven’t seen Schindler’s List yet.
  • Loved the transition scene when they entered the (Greenhouse ba yun?) tapos paglabas may anak na sila. Galing ng transition.
  • Yes, no matter how bitchy life could be, it is indeed beautiful. I concede.
  • Was nominated for both Best Film and Best Foreign Language Film. It won in the latter, only the second film daw to be nominated in both.
  • A movie about a father’s sacrifice for his son; will make you appreciate your father more.
  • Sorry but I still prefer La Finestra di Fronte as my favorite Italian film.
Moron of the Week: Mamang Guard
Hindi naman talagang villain na villain si Mamang Guard. Wala lang talagang super moron this week kaya consolation prize na lang siya. Naiirita lang ako sa kanya kasi. E paano lagi na nga akong 1 AM nakakauwi. E laging siya ang bantay na guard sa labas ng building. Aba isang gabi ba naman nung papasok na ako tumingin siya sa relo tapos sabi sa sarili niya, “A la una na ha.” sabay tingin sa akin. Wala namang ibang tao kami lang dalawa. Paringgan ba ako! Well pasensya na kuya, callboy po e. May magagawa ba ako. Wala tayong pakialamanan ano. Walang personalan, trabaho lang. =p
En el infierno enterita enterita te vas a quemar... AMEN.

Angels of the Week: Braz-03 and Braz-06
Work could be extremely boring. Thank God I found 2 companions that could share the boredom w/ me even if they’re 11 hours away & Portuguese-speaking to boot. I added Vanessa (Braz-06) and Juliana (Braz-03) on my MSN Messenger list just for the sake of adding them when 1 night they sent me a message. Ang cute nga e, they talk to me in Portuguese but I reply to them in Spanish pero nagkakaintindihan kami. Aliw! But I also talk to them in Portuguese kahit medyo flawed pa. Ngayon mas masaya na pumasok sa office (Bad!), di bale on the side lang naman ito, nagagawa ko pa rin naman ang trabaho ko e, hehehe.

Politics: Nae epalan talaga ako sa US, pagbukas mo ng Yahoo! Lagi na lang ang headlines kesyo US BLABLA IRAQ, US BLABLA NORTH KOREA. Lagi na lang involved ang US. Hehehe, anti-US ba ako? Maybe... Nag field trip si Ate Glo sa Xiamen, China. May date siguro sila ni Hu Jintao. Sino ba talaga, si Hu Jintao o si George Bush Jr? Yihee intriga. Hahaha. Ang nonsense ng segment...

Showbiz: Sa wakas nakaabot na ng $200M ang Superman Returns sa North American Box Office! Siya ang 8th slowest film to reach $200M. Good news for fans, there will be a sequel and Brian Singer already signed pero may budget cut sila. Ito ang highest grossing Superman movie to date pero di natalo ang Batman Begins na nasa $205M yata. X-Men: The Last Stand is at around $234M.

Work: Grabe namatay ako sa nerbyos sa aking first ever phone call. Napa overtime tuloy ako ng wala sa oras. I called a client to confirm the cancellation of his account. Receptionist pa ang sumagot tapos ni transfer ako to her boss (Big time!), thriller! Tahimik naman siya pero nung nagsalita aba parang hinahabol ng 10 maniningil w/his Mexican accent! Buti na lang naintindihan ko pa rin. Horror!

Chatmates: Napaaga ang Portuguese immersion dahil na rin sa mga kasamang Portuguese speakers both in the office and those working in Brazil. Ka chat ko na si Braz-03 at Braz-06 every night kahit medyo ilag sila kasi wala akong pic. Nagtatanong talaga sila ha, nasaan daw yung pic ko. E ang nakalagay sa MSN ko yung pic ko sa Friendster na may towel sa ulo, hahaha! Pasensya po hindi talaga ako naglalagay ng pic ano dahil tatlo lang ang pwedeng kalabasan: A. Mukha akong addict; B. Mukha akong zombie; C. Mukha akong bading. Yung latest pic ko for the job application falls under letter A. Asa pa sila na maglalagay ako ng picture! Hahaha. Si Braz-03 kahawig ni Nicole ng PCD, si Braz-06 naman pa tweetums ang itsura pero may boyfriend na, at talagang sinama pa sa picture. Nag aaral din sila pero full-time sa call center. Ganun din pala sa Brazil, cool.

Academics: Nadagdagan na yung mga grades ko sa CRS. Sorry pero kailangan ko magyabang, bwahaha! Pumasok na yung grades ko for Spanish 12 and 13, doble 1.0! Siguro nag enjoy si Sir dun sa final radio play project namin, Almodovar Jr creation yata yun, hahaha! Bale sa aking UP life, meron na akong limang (5) 1.0 at isang (1) 5.0. Ang cute di ba? 2.0 GWA nilang anim, pwede na.

Future: Dahil depressed ngayong week, nagpalipas na naman ng oras na nakatunganga sa pader at nagpaplano ng buhay. Naisip ko, bakit MA Asian Studies? E di BS Economics na lang sa UP din. I made an analysis, sa dami ng free electives ng BS Econ, kaya kong tapusin in 3 semesters after graduation, 12 units per semester. Pwede na di ba? Malaking dagdag pa yun sa résumé. Isip...

Surroundings: It’s getting eerie. He managed to get a pirated CD copy of that Regine Velasquez song and he plays it over and over again. We are not talking about two or three times here! Let’s say around five to six times per seating. As I said I’ve already managed to make myself love the song through constant repetition but I also need a break so I just drown it with my own music playlist.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Theater Review

Theater Review

Theater Review

Theater Review