Saturday, February 24, 2007

Lapain Sana Kayo ni Dracula

Fevereiro 11– 17 
Lapain Sana Kayo ni Dracula

Soundtrack of the Week 
  1. Irreplaceable [BEYONCé]
  2. Ju Hua Tai [CHOU]
  3. Satellite [SANTANA/MORENO]
  4. My Eyes Adored You [MILBY/GONZAGA]
  5. Cannonball [RICE]
Movie of the Week: When a Stranger Calls
  • Girl is grounded, sent to babysit in an amazing techie house as punishment. Starts receiving non-sense calls which turns into areal threat.
  • One of those “wala-lang” movies na wala lang. May nagkataon lang na may gustong mang trip dun sa bahay na serial ek-ek tapos nagkataon na nandun yung babysitter. In short di ganun ka intricate yung story. Para Red Eye, as in habulan lang. Parang ganun.
  • Ok naman yung acting kahit na medyo kulang yung acting ng bida. Yung psycho hindi naman nakakatakot.
  • Kung may dapat pansinin sa palabas na ito, yung bahay yun. Hanep yung bahay ang ganda. Yung garden sa gitna hanep. Ang laki nung bahay. Automatic ang mga ilaw. Napaka high-tech!
  • Hindi ako masyadong nagulat sa movie na ito. Pwede na sigurong ipasa as suspense pero hindi ganun ka thrilling.
  • Worthy na panoorin sa DVD LANG. Kung sa sinehan mo pinanood tapos may iba namang palabas na mas matino, yun dapat ang pinanood mo.
  • Wala na akong ma comment. Boring, lol.
Feature: Summer Language Classes Abroad 
Take note that Accommodation might mean just the room, meaning you would still have to shed like Php30,000 for 1 month cost of living allowance, plane ticket to get to Europe is around Php80,000 via Singapore Airlines... 

Spanish: Universidad de Salamanca (JULY/AUGUST – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 745 Euros (Php44,700)
ACCOMMODATION: 620 Euros (Php37,200)   

Portuguese: Universidade de Lisboa (JULY/AUG/SEPT – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 530 Euros (Php31,800)
ACCOMMODATION: 600 Euros (Php36,000)   

Korean: Korea University (JULY – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 1,130,000 Won (Php62,500)
ACCOMMODATION: 420,000 Won (Php22,500)
   
Russian: Lomonosov Moscow State University (JULY/AUG – 4 WEEKS)
TUITION FEE: $600 (Php30,000)
ACCOMMODATION: $200 (Php10,000)
   
Italian: Universita di Bologna (JULY – 4 WEEKS)
TUITION FEE: 500 Euros (Php30,000)
ACCOMMODATION: 300 Euros (Php18,000)

The Historian: Natapos ko na sa wakas. Maganda naman yung book kahit mahaba, hindi mo talaga maisasara yung libro, exciting. Ang reklamo ko lang, I didn’t like the way Kostova presented Dracula. Hindi ko rin nagustuhan yung climax! Merong “WTF Yun na yun?!” factor. Pero each of the 800+ pages is worth reading naman. Ganda rin kasi East Europe kadalasan ang setting, galing!

Political Ads: Eleksyon na at oras na para purgahin tayo ng political ads! Corny ang mga ads at dun mo lang makikita na nagpapa mukhang tanga ang mga politiko para makaupo sa senado. Magtanim daw tayo ng “pichay” sa senado kasi pangarap daw niya ang mga pangarap natin, empathic! Pangarap ko mang
holdup ng banko bukas e, matawagan nga itong kumag na ‘to. Yung isa naman feeling niya endorser siya ng toothpaste, “Talikod! Harap pero mukha lang! Smile! Ipakita ang retainers!” Yun namang dancer na kapatid nung nasa 500 peso bill kukuha lang ng batang dapat malnourished at di makapasok sa eskwela ang role e malusog pa ang kinuha, di tuloy kapani paniwala. Hindi ko rin alam na sideline na pala ni Kris Aquino gumawa ng election campaign catchphrase ngayon: PAG BAD KA, LAGOT KA! Yung isa
naman hindi ko maubos maisip: For the past few weeks buhos ang endorsements ng mag anak niya. Lumabas si Mommy sa isang pancit canton ad. Lumabas si panganay sa isang feminine wash ad. Lumabas si middle child sa ad ng isang fastfood. Lumabas si bunso sa ad ng isang gamot pang lagnat. Tapos lumabas ulit si panganay sa isang ad ng mobile phone service provider. Di ko tuloy maubos maisip, yung binayad kaya sa mag iina nung kandidato ang pinangbayad niya sa political ad niya? Nagtatanong lang po. Yung isa naman tinuruan daw siya ng mga magulang niya na pumagitna sa mga dancers na wala namang kinalaman sa senado habang nag aagawan ng pwesto yung asawa at kapatid niya sa probinsiya
nila. Yung isa naman siya lang daw ang tanging pag asa, tanging siya lang; kung di ka pa sana balimbing at ambisyosa, hehehe. Sana ginamit na lang sa ibang bagay yung panggawa nila ng wa-kwents na commercials. Dracula, I have victims for you...

Future: Relapse ng pagiging OC. Mukhang ang plano ngayon is to really work two years after graduation habang kumukuha ng diploma para tuluy tuloy ang learning, sa DLSU na lang siguro para mabilis, siguro Diploma in Computer Studies para mapakinabangan. Embassy work then one whole year of language learning abroad after, scholarships and self-funded. Kailangan mag ipon...

Work: Umiiwas na ako sa phones lately, mas nakakapagod kasi after work kapag sa phones nailalagay. Nagko concentrate na lang ako sa chats, dun naman talaga ako dapat kasi mabilis ako mag type at ako lang ata ang nagtiya tiyaga sa chats, lol. Improve ko muna ang accent ko para mas maging effective pero pag kailangan talaga wala na akong magagawa. Boring as usual... Weekend marker.

0 creature(s) gave a damn:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Protected by Copyscape DMCA Copyright Detector
 

Film Review

Book Review

Book Review

Book Review